DAPAT PANGALANAN ANG MGA CORRUPT!

RAPIDO NI PATRICK TULFO

MAUGONG ngayon ang mga akusasyon ng talamak na korupsyon sa Marcos administration, at ilang mga personalidad na tulad ng mamamahayag na si Ka Tunying (Anthony Taberna) at Baguio City Benjamin Magalong, ang nagsalita ukol dito.

Pero mas maigi sana kung may mga personalidad na pinangalanan o maging ahensya ng gobyerno kung saan nagaganap ito. Para hindi naman lahat ay nadadamay. Kawawa naman ‘yung mga wala namang kinalaman at madadamay pa.

Sa kanyang YouTube channel, tahasang sinabi ng mamamahayag na si Anthony Taberna na talamak daw ang korapsyon sa administrasyon ngayon.

Pinuntirya naman ni dating CIDG chief at kasalukuyang Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang kickback daw sa pork barrel ng ilang mambabatas. Ang pork barrel na kilala rin sa tawag na CDF o CountryWide Development Fund, ay ang pondong ibinibigay sa mga mambabatas kada taon.

Hindi naman bago ang balitang ito dahil matagal nang isyu ang korupsyon sa alinmang administrasyon. Ang punto ko lang, sana ay ‘wag gawing malawakan ang akusasyon bagkus ay magbigay ng tahasang paglalantad kung sino ang mga may pakana, ang mga nakinabang at kung paano ginawa.

Isang reklamo ang natanggap ng aking programang Rapido Ni Patrick Tulfo, na napakikinggan sa istasyong DZME 1530khz mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 – 12:00 ng tanghali.

Inilapit ng isa sa mga anak at apo ni Lola Marina Agravantes ng Calumpit, Bulacan, na apatnapung taon nang naghihintay ng lifetime pension ang kawawang matanda, matapos na manalo ito sa korte ukol dito noong October 24, 1985.

Ang pensyon ay galing sa asawa nitong si Isaias Alfonso Agravantes na isang Fire Captain na pumanaw noong pang 1980. Wala man lang daw tumulong sa matanda na maasikaso ang pensyon ng nasirang asawa.

Sinusubukan na po naming makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman dito tulad ng DILG.

17

Related posts

Leave a Comment