‘DEMOLITION JOB’

EARLY WARNING

Malinaw kung mismong si Public Attorney’s Office chief Persida Rueda-Acosta ang tatanungin ay simpleng ‘demolition job’ ang akusasyon laban sa kanya ng mga ‘walang bay*#’ na ‘PAO lawyers’ dahil aniya ito’y walang basehan.

Sa katunayan, aniya, mismong legitimate PAO lawyers ang lumantad at nagpakita ng todong suporta at tiwala sa kanya kasabay ng kanilang pagtanggi na sila’y may kinalaman sa ‘unsigned complaint of corruption’ na nakarating sa Ombudsman.

Nakikita ni Acosta na may gumagalaw na mga maimpluwensyang tao na may koneks’yon o apektado sa kaso na isinampa ng mga pamilya ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccines.

“It’s a fake news, demolition job, black propaganda, hoax, sham, fictitious and obviously a white paper having been unsigned that should not be given any consideration at all,” ani Acosta.

Dagdag pa nito: “Halos may dalawang dekada na ako sa PAO, ang pondo lang na mayroon kami ay para sa s’weldo ng mga empleyado, saan ang korap­syon dito?”

Bangkulasi River clean-up

Nangako mismo si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanilang lilinisin ang Bangkulasi River sa lalong madaling panahon at mas mapapadali pa ito kung makikiisa ang concerned agencies at iba pang stakeholders.

Determinadong malinis ito, mismong si DENR Undersecretary Benny Antiporda ay nakipagpulong sa alkalde at sinabi ng una na kailangang maisagawa na ang massive clean-up ng ilog dahil mahalagang bahagi ito ng Manila Bay rehabilitation program.

Ani Mayor Toby, kanilang uunahin na matanggal ang floating houses at sunken vessels kung kaya makikipag-coordinate s’ya sa Navotas Fish Port Complex upang mas lalong masiguro ang pagtatanggal.

Libreng late birth registration program

Mas maraming Navoteños na hindi rehistrado ang nabigyan ng birth certificate sa pamamagitan ng libreng late birth registration program ng pamahalaang lungsod.

Dagdag na 145 Navoteño ang nakinabang sa waived fees, penalties at charges—na aabot sa P1,500—na binabayaran sa pagproseso ng late birth registration.

“Samantalahin n’yo po ang nasabing programa pagkat mahalaga ang pagkakaroon ng birth certificate dahil ito ang isa sa mga kailangang dokumento sa enrollment, pag-a-apply sa trabaho, o pagkuha ng ilang mga serbisyo ng gobyerno,” aniya.

Ang programa ay ipinatupad sa pamamagitan ng isang ordinansa na iniakda ni Councilor Ethel Joy Arriola-Mejia at pinirmahan ni Vice Mayor Clint Geronimo. (Early Warning /  ARLIE O. CALALO)

137

Related posts

Leave a Comment