DIVISORIA MALL IBINENTA NI ISKO NG P1.4-B?

BATO nang bato ng putik itong si Manila Mayor Isko Moreno laban kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential ­aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (BBM), siya pala itong dapat magpaliwanag sa taumbayan.

Bakit kamo? Nabisto kasi na ibinenta pala ni Isko ang kilalang Divisoria Mall na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa halagang P1,446,966,000 sa isang pribadong kumpanya.

Tsk! Tsk! Tsk! Ngayon, tutal bato ka nang bato ng putik laban kay BBM, ipaliwanag mo ngayon sa taumbayan kung bakit mo ibinenta ‘yang palengke at saan mo dinala ang pera?

Sa pamamagitan ng City Council Resolutions 171 at 180 noong Hunyo 2020 binigyan ng awtorisasyon si Isko para ­i-auction ang nasa 3,700 square meters na nasabing ari-arian.

Ang nakabili ng lupain na kinatitirikan ng Divisoria Mall ay ang Festina Holdings Inc. na may tanggapan sa #472 Padre Faura Center sa Ermita, Manila.

Sila kasi ang nanalo sa bidding sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na isang nagngangalang George Chua bilang chairman of the board ng kumpanya.

Ginawa ang Deed of Sale ng lupain noong Agusto 10, 2020.Ang City Council Resolution 180, presided by Majority Floor Leader Joel Chua, ay pinayagang magsagawa ng public bidding ng 3,701.70 sqm property.

Habang sa Resolution 171, pinayagan ng Manila City ­Council si Isko na pumasok sa kontrata sa anumang korporasyon para ibenta ang lumang palengke.

Ang tanong ng mga taga-subaybay ng PUNA, ano ang relasyon daw nina George Chua at Majority Floor Leader Joel Chua?

Sabi tuloy nila, ang dali raw pala kumita ng isang mayor, ­uutusan lang niya ang kanyang mga konsehal na payagan ­siyang ibenta ang ari-arian ng siyudad at magkakapera na siya.

Sa 10% lang na komisyon ni Isko sa bentahan ng ­Divisoria Mall ng P1.4 billion, limpak-limpak na salapi ang kanyang komisyon.

Walang kaalam-alam ang mga taga-Maynila na ginawa ang bentahan noong Agusto 2020 na kainitan ng COVID-19.

Galing ni Yorme! Tapos ngayon banat siya nang banat kay BBM na dapat daw bayaran nito ang kanilang pagkakautang na P203 billion estate tax.

Wala rin daw abiso sa mga nagtitinda sa palengke ang ginawang bentahan nito.

Kita n’yo na, ang galing magsalita ni Yorme na malapit daw siya sa mahihirap dahil dati siyang mahirap, pero bakit hindi niya inabisuhan ang mga vendor sa ginawa nilang bentahan ng palengke?

Nalaman na lang daw nila noong Nobyembre 2020 na ­hanggang Enero 31, 2021 na lang sila at kailangan na nilang umalis sa palengke dahil may itatayo nang 50-story building.
Bilis Aksyon ni Yorme! Bilis pera din? Hahahaha!Kawawang mahihirap, lagi na lang naiisang tabi sila kahit na ang namumuno sa kanilang lugar ay kapwa nilang dating mahirap din.

Tumatakbo siyang presidente ngayon, iboboto n’yo pa ba siya?

Kung sakaling mananalo siya, ano pa kayang lugar ang pinag-iisipan niyang ibenta? Palasyo kaya ng Malakanyang?

Pwede naman kasi ilipat ang opisina ng presidente sa Palasyo del Gobernador na inuukupahan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.

Ay naku Yorme! Umatras ka na, ‘di ka mananalo.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

93

Related posts

Leave a Comment