GOV. CHAVIT SINGSON, BOSES NG MGA PILIPINO SA SENADO

TARGET NI KA REX CAYANONG

SA kanyang pag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) bilang senador, muling pumasok sa eksena ng pulitika si dating Gov. Luis “Chavit” Singson.

Ang kanyang desisyon ay tila nagdadala ng bagong pag-asa at pananaw para sa mga Pilipino, lalo na sa kanyang mga plano para sa modernisasyon ng sistemang pampasahero at ang pagtatatag ng Bangko ng Masa, na layuning tulungan ang mga Pilipinong walang bank account, kabilang na ang overseas Filipino workers (OFWs).

Si Singson, na nagsilbi bilang alkalde ng Narvacan mula 2019 hanggang 2022, ay umaasa na makapasok sa Magic 12 ng mga magiging senador sa darating na halalan.

Sa kanyang pahayag, malinaw na nakatuon siya sa mga programang makikinabang ang masa.

Isang pangunahing layunin niya ang modernisasyon ng pampasaherong sistema, na tiyak na makapagbibigay ng mas mahusay at mas episyenteng serbisyo sa commuters.

Ang kanyang panukala para sa electric jeepneys, na gagamit ng teknolohiya mula sa South Korea, ay isang makabagong hakbang na hindi lamang magpapabuti sa kalakaran kundi mag-aambag din sa pagbabawas ng polusyon sa ating mga lungsod.

Isa sa mga pinakamagandang aspeto ng kanyang plataporma ay ang paglikha ng mga oportunidad para sa mga drayber.

Tiniyak niya na ang mga kwalipikadong drayber ay hindi na kakailanganing magbigay ng down payment, kolateral, at higit sa lahat, walang interes. Ito ay isang makabago at makatawid na solusyon na tiyak na magiging malaking tulong sa mga drayber na madalas ay nahihirapan sa mga tradisyonal na proseso ng pagpapautang.

Hindi lamang nakatuon sa mga drayber, ang Bangko ng Masa ay magbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino, lalo na ang mga OFW, na makapag-ipon at magkaroon ng access sa mga serbisyong pampinansyal.

Sa kabila ng kanilang malaking kontribusyon sa ekonomiya, maraming OFW ang nahihirapan sa pag-access ng mga serbisyong ito.

Ang layunin ni Singson na isulong ang Bangko ng Masa ay isang hakbang na magdadala sa kanila sa mas magandang kinabukasan.

Ang kanyang mga plano at programang inilatag ay mahalaga upang maging pamilyar ang mga tao sa kanyang mga adhikain.

Ang bawat boto ay mahalaga, at sa kanyang pagkakaroon ng mga kongkretong solusyon sa mga problema ng bayan, tiyak na makakukuha siya ng suporta mula sa mga botante.

Sa darating na eleksyon, magiging mahalaga ang mga kandidato na mayroong malinaw na plano at malasakit para sa kanilang mga kababayan.

Si Chavit Singson, sa kanyang mga layunin, ay tila handang ipaglaban ang interes ng mga Pilipino sa Senado.

Ang kanyang boses ay maaaring maging susi upang mas mapagtagumpayan ang mga hamon sa ating lipunan.

76

Related posts

Leave a Comment