GREATEST GIFT THIS SEASON

HOPE ni Guiller Valencia

DID you receive your gift(s) already?

What was the best, most expensive, cheapest or valuable gift you ever received that you cherished most?

Marami ang nakatatanggap ng regalo; like car, house and lot, jewelries, clothes, card, cash, and others. One thing in common sa gifts na ito—they won’t last.

Mga regalong ‘di nagtatagal, ‘ika nga, no forever…. But do you know? Mayroon greatest gift na pwede nating tanggapin. Ito’y available kahit kanino. Walang pinipiling tao, anoman ang kalagayan sa buhay: mayaman ka man, dukha, edukado, mangmang, mabuti o makasalanan ka man.

Ang gift na ito ay nais kong ibahagi sa inyo. Ito ay walang sinoman ang pwedeng magnakaw, hindi rin ito kumukupas at ito’y pang habang panahon. Sana’y matanggap ninyo sa kapaskuhang ito.

This is also my gift to every reader ng Saksi Ngayon! This gift is a love gift, sacrificial gift, universal gift, conditional gift, eternal gift and greatest gift.

Ito’y love gift, sapagkat God so love the world that He gave his only begotten son. It is also a sacrificial gift, dahil ang nag-iisang anak ng Ama ay isinugo o ipinagkaloob sa sangkatauhan. Ito rin ay universal gift, walang pinipiling tao, ang lahat ay pwedeng tumanggap ng greatest gift. Bagama’t ito ay love gift, sacrificial gift, universal gift ngunit may condition na kailangang tanggapin ang regalong ito nang buong puso.

Kapag tinanggap natin ang greatest gift na ito ay magkakaroon tayo ng eternal gift. Ito’y buhay na walang hanggan, tanging ang love and grace ng ating Amang nasa langit ang may kakayahan magkaloob nito sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtanggap sa ating Panginoon Jesu Cristo bilang sariling Panginoon at Tagapagligtas.

Ito ang greatest gift natin na pinakamahalaga na dapat natin matanggap sa season na ito, ang eternal gift!

“For God so love the world that He gave his only begotten Son that whosoever believe him should not perish but have everlasting life.” (John 3:16)

Maligayang Pasko sa inyong lahat! (giv777@myyahoo.com)

6

Related posts

Leave a Comment