PERSONAL na inalam ni Congressman Fidel Nograles ang kalagayan ng mga miyembro at opisyales ng Kasiglahan Market Vendors Association, Incorporated (KMVAI) matapos masunog ang kanilang palengke noong Marso 3, ngayong taon. Sinalubong ang mambabatas nina Kasiglahan Market Vendors Association, Inc. President Cristina Pacheco, Treasurer Elvira Flores at iba pang miyembro ng samahan. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Nograles kina Pacheco at Flores na magbibigay siya ng materyales para agad maitayo ang palengke at magkaroon silang muli ng pagkakakitaan. Nauna nang nagbigay ng ayuda si Nograles sa mga naapektuhan ng sunog.…
Read MoreDay: March 10, 2025
PHILHEALTH FUND DAPAT MAUBOS SA KALUSUGAN – ATTY. RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIGYANG-DIIN ni senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam kamakailan na hindi maaaring gamitin sa mga proyekto o programa na walang kaugnayan sa healthcare ang pondo ng PhilHealth. Aniya, dapat maubos ang pondo ng ahensya ngunit para lang sa sektor ng kalusugan dahil ito ang nakasaad sa batas. Reaksyon ito ng dating executive secretary sa pagkuha sa bilyong pondo ng PhilHealth pabalik sa national treasury. Kung titingnan aniya, ‘malversation of public funds’ o pagwawaldas na sa pampublikong pondo na maituring ang paglilipat ng pondo nito.…
Read MoreNakatago sa ayuda – VP Sara VOTE BUYING LEHITIMO SA MARCOS ADMIN
(CHRISTIAN DALE) PINASARINGAN ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos Jr. sa pagsasabing lehitimo na ang vote buying sa kasalukuyan dahil itinatago ito sa ayuda. Sa pagsasalita ni VP Sara sa harap ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong, nanawagan din siya sa mga Pilipino na iboto ang mga kandidato base sa kanilang kakayahan na maglingkod kaysa sa kanilang apelyido. Sa panahon aniya kasi ng eleksyon ay naglipana ang vote-buying. Dapat aniyang mag-ingat sa vote-buying sa anyo ng government financial assistance o ayuda. “Wag natin ibenta ang boto…
Read MoreIMPEACHMENT VS. SARA MAAANTALA KAPAG TOTOO ICC WARRANT
POSIBLENG maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung kasama ito sa ipinapaaresto ng International Criminal Court (ICC) lalo na kung mahuli. “Medyo maantala ang impeachment trial,” pag-amin ng isa sa mga 12 House prosecution panel na si Manila District III representative Joel Chua matapos umugong na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinaliwanag ng mambabatas na may mga article of impeachment ang kailangan umano ang presensya ni VP Duterte sa Impeachment Court kaya kung kasama ito sa inisyuhan ng…
Read MoreMAS KAILANGAN NG MAHABANG OPERASYON NG LRT, MRT, EDSA BUS CAROUSEL – SOLON
LALONG kailangang pahabain ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at maging ang Edsa Bus Carousel dahil sa isasagawang rehabilitasyon sa Epifanio delos Santos Avenue o Edsa. Ito ang ipinanawagan ni Akbayan party-list representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa Department of Transportation (DoTr) dahil kung hindi ay lalong mahihirapan ang mga commuters dahil inaasahan na mas titindi ang problema sa trapiko sa Edsa. “Mas lalong mahalaga ngayon na i-extend ang operating hours ng MRT, LRT, at ngayon, maging ang EDSA Bus Carousel, dahil tiyak na magdudulot ng…
Read MoreLOCAL ABSENTEE VOTING REGISTRATION PINALAWIG
PINALAWIG ng Commission on Elections (Comelec) ang registration period para sa local absentee voting (LAV) mula Marso 7 hanggang Marso 17, 2025. Sa isang resolusyon na inilabas noong Lunes, inilipat din ng poll body ang deadline para sa pag-verify ng mga nagparehistro ng LAV mula Abril 8 hanggang Abril 11. Itinakda sa Abril 27, 2025 ang pagpapadala ng listahan ng mga kwalipikadong local absentee voters, local absentee ballots, at ang iba pang election forms. Kabilang sa absentee voters sa Pilipinas ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP),…
Read MoreMARAMING MAGLALAHONG POLITIKO KUNG EDUKADO MGA BOTANTE
MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT HINDI ako maniniwala na gagawa ang Kongreso ng batas para tuluyang ipagbawal ang political dynasty sa ating Inang Bayan dahil mayorya sa mga politiko sa ating bansa ay mula sa political families na deka-dekada na sa kapangyarihan. Mas lalong hindi ako maniniwala na magsasawa ang mga politiko sa kapangyarihan dahil sanggol pa lamang ang kanilang mga anak ay inihahanda na nila para maging kapalit sa kanilang kaharian sa mundo ng politika. Ang tanging pag-asa para mawala ang mga political dynasty at mga politikong walang silbi ay…
Read MoreSA PAGPAPATAKAS NG BI SA PUGANTE, DAPAT NANG MAKIALAM ANG NBI
BISTADOR ni RUDY SIM KAHIT sa araw ng Linggo ay nagkukumahog na nagpatawag ng press conference itong Commissioner ng Bureau of Immigration na si Joel Viado para iharap sa media ang nahuli na nila kuno na puganteng pinatakas, dahil sa kahihiyang inabot ng kanyang pamunuan matapos na patakasin ng mga tauhan nito ang isang puganteng South Korean, na matatandaang pinatakas ng tatlong personnel ng Warden facility pagkatapos ng court hearing nito sa QC Hall of Justice. Ang pananahimik sa isyu ni Department of Justice Secretary Boying Remulla, nasa ilalim ng…
Read MoreDAPAT MAY MANAGOT SA PAGBAGSAK NG CABAGAN-STA. MARIA BRIDGE
At Your Service ni Ka Francis HINDI dapat palagpasin ng mga kinauukulan ang nangyaring pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela kamakailan. Walang maniniwala sa mga Pilipino na walang kumita sa pagkakagawa ng tulay na ito, hindi pa nga umaabot ng isang taong ginagamit ay bumagsak na. Kung hindi tinipid ang pagkakagawa nito ay hindi basta-bastang babagsak ito. Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na mismo ang nagsabi nang magtungo siya nang personal sa pinangyarihan ng pagbagsak ng tulay, nakita niya kung gaanong kaliliit ang ginamit na mga…
Read More