IMPEACHMENT KAY PRRD SAYANG LANG

FOR THE FLAG

Halatang parte lamang ng propaganda ang mga patutsada ni Gng. Leni Robredo at ng mga grupong makakaliwa na pag-file ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Una ay walang ground. Ang nangyaring banggaan ng barko o bangka riyan sa Recto Bank ay isang maritime incident na walang kontrol ang pa­ngulo ng Pilipinas, katulad na walang kontrol ang pangulo sa mga disgrasya sa mga lansangan.

Ibig sabihin ba kung magkabanggaan ang isang kotseng may diplomatic plate at isang motor sa EDSA ay impeachable offense na rin.

Nananaginip ba ang mga taong ito? Napaka-popular ng pangulong ito at sa Kongreso ay pawang mga kaalyado ng administrasyon. Media mileage ba?

Ayon sa idol nating si Presidential Anti-Corruption Commissioner Atty. Manny Luna lubhang walang katuturan ang mga palutang na impeachment laban sa pangulo.

“Akbayan’s and Pamalakaya’s veiled threats to file impeach raps against President Duterte in connection with the latter’s verbal deal with President Xi allowing Chinese fishermen to fish in the country’s EEZ simply won’t fly,” pahayag niya. “Such threats are plain propaganda masked as legitimate exercise of a right.”

“In the case of Akbayan, same is obviously just trying to sell the false narrative being peddled by the Yellow opposition led by VP Robredo on the West Philippine Sea issue. Surely, the raps, if ever they will be filed, will just be junked by the Committee on Justice as same are not worth the time and consideration of the House,” konklusyon ni Atty. Luna.

Hayan, malinaw. Huwag nang mag-aksaya pa ng panahon sa mga maling paggalaw na pawang sawsaw sa banggaan sa Recto Bank. (For the Flag /ED CORDEVILLA)

113

Related posts

Leave a Comment