MAGANDANG araw mga ka-Saksi at mga kabayani!
Lalong umiinit ang bangayan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Migrant Workers Secretary Abdullah Mamao sa isyu ng lifting ng deployment ban sa Kingdom of Saudi Arabia.
Kaugnay ito ng magkaibang polisiya ng dalawang opisyal sa claim ng libu-libong OFWs sa kanilang benepisyo mula sa Saudi Arabian companies.
Nag-isyu kasi itong si Sec. Mamao (Mamaw ba?) noong April 25 (Lunes) ng Department Order No. 4 na nagtatanggal sa deployment ban sa mga OFW sa Saudi Arabia, kahit ang ahensya niya ay hindi pa fully constituted.
Sinabi ni Mamao, ginawa n’ya ang assessment na alisin ang ban matapos ang konsultasyon sa Advisory Board on Migration and Development at Secretary of the Department of Foreign Affairs.
Giit naman ni Sec. Bello, patuloy pa ring suspendido ang deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia, as of April 27.
“As such, the verification of employment documents for new hires bound for the Kingdom of Saudi Arabia shall remain suspended,” pahayag ni Bello.
Katwiran naman ni Mamao, hindi nya kikilalanin ang kautusan ni Bello dahil apektado na ang paghahanap-buhay ng mga OFW sa Saudi Arabia.
Bukod kasi sa mga OFWs naparalisa rin ang negosyo ng mga recruitment agency sa Pilipinas at posibleng maapektuhan ang buong labor market sa pagitan ng Pilipinas, Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, Qatar, United Arab Emirates, at Oman.
Giit ni Mamao, ang pag-alis sa deployment ban ay para na rin sa kapakanan ng mga OFW, recruitment industry at buong bansa.
Pero ‘di pa rin nagpatinag si Bello at inabisuhan n’ya noong April 26 ang mga labor attaché sa Saudi Arabia na mananatili ang deployment ban at walang “K” ang DMW Secretary na alisin ito.
Hanggang hindi umano nabubuo ang DMW, mananatili sa “status quo” ang mga tanggapan ng gobyerno na mapapasama sa nasabing ahensya.
Noong April 28, kinampihan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Bello sa kanyang naging kautusan sa deployment ban.
Ayon kay Drilon, dapat manghimasok na si President Rodrigo Duterte sa usapin dahil nagdudulot ng kalituhan ang aksyon ni Mamao.
Dapat din na irespeto muna ni Mamao ang transitory provision ng DOMW law.
Illegal ang naging aksyon ni Mamao dahil hindi pa siya pwedeng mag-execute ng anumang aksyon bilang kalihim ng DMW hangga’t hindi pa nabubuo ang nasabing ahensya.
Pinagsabihan na rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Mamao na hindi pa ‘fully constituted’ ang DMW.
Kinikilala naman ni President Duterte ang kapangyarihan ng transition committee ng DMW na binubuo ng mga ime-merge na ahensya nang aprubahan ang Implementing Rules and Regulations, instead of the version, Mamao issued on his own.
Nabahala na rin sina Susan Ople at Dok Chie Umandap ng AKOOFW party-list sa naging bangayan nina Mamao at Bello dahil nagdudulot lang ito ng kalituhan sa mga OFW, industry players at iba pang stakeholders.
Good News!
NAGSALITA na ang mga Pilipino sa ibinigay na landslide victory para kay incoming President Bongbong Marcos, Jr. at Vice-president Sara Duterte sa katatapos lang na May 9 elections.
Kabilang ang mga OFW sa mga todo-suporta sa BBM-Sara tandem na nagpanalo sa kanilang kandidatura.
As of 1 pm, May 10, 2022, nakakuha si BBM ng botong 30,922,344 habang si VP Leni Robredo ay may 14,743,588, si Mayor Sara ay nakakuha ng botong 31,355,071 habang si Sen. Kiko Pangilinan ay nakapagtala lang ng 9,181,383 votes.
Kung anuman ang naging mapait na bunga ng pulitika sa ating mga kaibigan, pamilya at mga mahal sa buhay, dapat magkaisa na po tayo para sa pagsusulong ng kapakanan ng mga Pilipino at pagbangon mula sa pandemya.
Para sa inyong sumbong, reaksyon, suhestyon at opinyon, ipadala lang sa dzrh21@gmail.com.
130