JOB FAIR NI GOV. NINA YNARES SA RIZAL

TARGET NI KA REX CAYANONG

LAGING una kay Rizal Governor Nina Ricci Ynares ang kapakanan ng mga tao.

Kaya lahat ng serbisyo na maibibigay niya sa mga ito ay ibinibigay niya. Diyan hanga sa gobernadora ang kanyang mga nasasakupan.

Kamakailan, nagkasa ang pamahalaang panlalawigan ng job fair sa Ynares Center bilang bahagi ng paggunita sa 121st Labor Day. Ayon kay Ynares, bukod sa trabaho, nagkaroon din sila ng distribusyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program.

“Umabot sa mahigit P6.9 milyon ang naibahagi sa 1,400 beneficiaries sa suporta ni Cong. Robbie Puno,” pahayag ni Gov. Ynares. Ipinagmalaki ng masipag na gobernadora ang turnover ng livelihood grants sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Sinasabing pumalo sa mahigit P1.4 milyon ang pondo na naipamahagi sa 158 beneficiaries.

Naikasa rin ang ceremonial turnover ng Government Internship Program (GIP) grants. Ang GIP ay isang 3- 6-month internship opportunity para sa mga kabataan na may 18 taong gulang hanggang 30 taong gulang. “Para naman sa ating Special Program for Employment of Students (SPES) grants, umabot sa mahigit P11 milyon ang naipamahagi sa 2,479 beneficiaries. Tulad ng pagsisikap ng ating mga manggagawa araw-araw, sisikapin din po natin ang pagbibigay ng suporta sa bawat Rizaleño,” wika ni Gov. Ynares.

Katuwang din nina Gov. Ynares at Cong. Puno sa serbisyo-publiko si Cong. Jack Duavit. Tuloy-tuloy rin ang paghahatid niya ng mga programa at proyekto sa kanyang nasasakupan.

Labis naman ang pasasalamat ni Cong. Duavit sa suporta at pakikipagtulungan ng publiko sa pamahalaang panlalawigan.

“Kasama ang higit sa 1,400 na Rizaleños mula sa Cainta at 200 naman mula sa iba’t ibang bayan ang nabigyan natin ng tulong sa naganap na distribution ng tulong pinansyal tulad ng medical, burial, at educational assistance sa ating mga kabarkadang Rizaleños na mga TODA, Brgy. Health Workers at PWDs,” ayon sa tanggapan ni Cong. Duavit.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

212

Related posts

Leave a Comment