KATUTUBO

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Agosto 8 ang International Day of the World’s Indigenous Peoples, kung saan ginugunita ang mga pakikibaka ng mga katutubo sa buong mundo.

Para sa lumad leader at Bayan Muna Party-list Rep. Eufemia Cullamat, ang pagtatapos ng Martial Law sa Mindanao, na nagpapahirap sa mga lumad sa buong Mindanao.

Ang mga lumad at mamamayang Moro ang mga direktang biktima ng militarisasyon at pang-aagaw sa lupang ninuno, ani Rep. Cullamat. Nakababahala ang napakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao, na umabot na sa 800,000. Kabilang na rito ang 93 na ilegal na pag-aresto at pagpatay sa mga lider-lumad. Kasama rin dito ang pagpapasara ng Department of Education, sa udyok ng militar, sa 55 lumad schools ng Salugpungan.

Resulta ang malawakang pangangamkam ng lupang ninuno sa buong Pilipinas mula sa Build, Build, Build Program na itinutulak ng administras­yong Duterte. Sa Luzon, nariyan ang P12.2 bilyon Kaliwa Dam project sa Rizal na lulunod sa mga lupang ninuno ng mga Dumagat, Agta, at Remontado. Sa Gitnang Luzon naman, ang Clark Green City ang wawasak at kakamkam sa 9,000 hectares na lupa ng mga katutubong Ayta.

Ang lahat ng mga proyektong ito ay ginagawa sa kabila ng kawalan ng totoong Free Prior and Informed Consent ng mga katutubo na nakasaad sa IPRA. Kaya naman, nananatiling inutil ang batas upang protektahan ang karapatan ng mga katutubo sa lupang ninuno at sa sari­ling pagpapasya.

Ang pinakahuling atake sa hanay ng mga katutubo at tagapagtanggol sa mga karapatan nila ay ang pamamaril kay Brandon Lee, isang human rights worker sa Ifugao. Binaril siya noong August 6 sa harapan ng kanilang bahay. Hanggang sa kasalukuyan ay lumalaban pa para sa kanyang buhay si Brandon, habang ang mga katutubo at mamamayan ay nananawagan ng hustisya para sa kanya. (Kakampi Mo ang Bayan /  TEDDY CASIÑO)

412

Related posts

Leave a Comment