Kung s’werte lang ang pag-uusapan, tunay na mapalad sina Caloocan Mayor Oca Malapitan at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian dahil mayroon silang hepe ng kapulisan na sina PCol Noel Flores (Caloocan) at PCol Carlito Gaces (Valenzuela) na pawang mga de-kalidad at makikita ‘yan sa mga awards na kanilang natanggap sa ginanap na 118th Police Service Anniversary.
Tunay na leader by example ika nga itong sina PCol Flores at PCol Gaces dahil tig-apat lang naman na awards ang kanilang natanggap!
Nasungkit ng Caloocan Police ang major awards tulad ng Largest Volume of Illegal Drugs, Number of Arrested Persons in Anti-illegal Drug Operations, Highest Number of Confiscated Recovered Firearms at Best City Police Station 2018 samantalang ang Valenzuela Police ay ang Highest Number of Cleared Barangays, Highest Accomplishment in Project Double Barrel, Highest Number of Arrested Neutralized Most Wanted Person at ang ‘Best Pulis sa Barangay’ sa katauhan ni PSSgt Ramon Barcelino.
Parehong humble, anila ang kanilang mga tauhan at todong suporta mula sa kanilang mga alkalde na sina Mayor Oca at Mayor Rex ang mas may malalaking papel kung bakit de-kalidad at nangunguna ang kanilang kapulisan sa paglilingkod sa publiko.
S’yempre, congrats kay Northern Police District director Rolando Anduyan, ang kanilang immediate superior, dahil sa guidance at suporta nito sa lahat ng kapulisan sa CAMANAVA area.
Salamat sa PCUP
Todong pasalamat itong si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa pamumuno ni Chairperson/CEO Alvin Feliciano dahil sa ginawa ng huli na ‘service caravan’ kung saan may 1,000 Navoteños ang nakinabang sa tulong na rin ng Grab PH at ibang government agencies.
“Nagpapasalamat po tayo na dahil sa pagpunta nila sa ating lungsod, ma¬rami ang nakakuha ng kanilang birth o marriage certificate at driver’s license. Mayroon ding nakahanap ng trabaho, nakapagpa-checkup at nabigyan ng gamot, nakakuha ng TESDA scholarship, at iba pa.”
Apela sa mga residente
Sa halip na magalit, umapela na lang si Mayor Toby sa kanyang constituents na sana’y maging cooperative sa ginagawang cleanliness campaign at clearing operations ng lokal na pamahalaan makaraang tone-toneladang basura ang nahakot sa mga kanal at iba pang waterways sa lungsod.
“Tayo po ang solusyon sa ilang mga problema sa ating lungsod, lalo na sa usapin ng basura. Tulungan po ninyo kami para mapanatili nating malinis ang ating kapaligiran at maiwasan ang pagbaha. Maging disiplinado po tayo para sa mas angat na Navotas.” (Early Warning /ARLIE O. CALALO)
139