KAMAKAILAN ay naglabas ang polling firm na PUBLICUS ASIA ng resulta ng kakaibang survey na isinagawa nila.
Naglalayon ang survey na malaman ang damdamin ng taumbayan, hinggil sa tingin nila ay kung paano ginagawa ng limang pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga trabaho.
Ang scientific survey ay isinagawa sa buong bansa mula Marso 30 hanggang Abril 6 ng taong kasalukuyan at nilahukan ng 1,500 na respondents.
Kakaiba ito kaysa pre-election surveys na naglalayong malaman kung sino ang iboboto nila bilang pangulo ng bansa sa darating na Mayo 9, na consistent naman na pinangungunahan ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Makikita sa poll na ito ng PUBLiCUS Asia kung ano ang tunay na pananaw ng publiko sa ating mga opisyal ng pamahalaan at kung gaano sila kahusay sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
Sa tanong na: “how would you rate the overall performance of the following (top officials) over the past 12 months,” si Robredo ay mayroon lamang na 32.3% na ‘approval,’ at ang ayaw sa kanyang ‘performance’ ay umabot ng 42.2 % na nagresulta upang maging negative 9.9 % ang net approval niya.
Maliwanag na base sa resulta ng survey na ito ay lumabas na si Robredo ang pinaka-hindi maaasahan at may pinakamabantot na imahe sa limang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Ang matindi pa rito ay tanging si Leni lamang ang nakakuha ng negative rating mula sa limang mga opisyal na kinabibilangan nina Pangulong Duterte at Senate President Sotto.
Kasama rin sa listahan sina House Speaker Lord Allan Velasco at Chief Justice Alexander Gesmundo.
Lumabas na sa limang may pinakamatataas na puwesto sa gobyerno, si Pangulong Digong ang may pinakamagandang marka na nakakuha ng 52.0%.
Si Senate President Tito Sotto ay may 38.0 approval rating at 22.2% disapproval rating para sa kanyang +15.8 approval rating.
Si Speaker Allan Velasco ay may 23.8% approval rating at 21.5% disapproval dahilan upang ang net approval rating nito ay +2.3 %.
Sa kabilang dako, si Chief Justice Alexander Gesmundo ay may approval rating naman na 23.7%, at disapproval na 15.5 % para sa net approval rating niya na +8.2%.
Bunsod nito, naniniwala ang ilang political analysts na isa ring dahilan ang lagpak na marka ni Robredo kaya malabo na itong manalo pa sa darating na halalan.
“For some inexplicable reasons, the people could see something undesirable and sinister about her. Parang nararamdaman kasi nila na may halong pagkukunwari at hindi bukal sa loob ang mga ginagawa at sinasabi niya,” anang isang ‘behavioral analyst’ na ayaw nang magpabanggit ng pangalan.
Isang political analyst naman ang nagsabing ang ’disapproval ratings’ na ibinigay ng taumbayan kay Robredo ay dahilan din kung kaya sa kabila ng iba’t ibang gimik, pakulo at paninira ng kampo niya sa mga kalaban ay lagapak pa rin siya sa presidential surveys.
“The verdict was in. There is a great likelihood that she is bound to lose in the coming elections and the sad part was that it would not be just another loss, it could be a humiliating loss in more ways than one,” sabi ng isang analyst.
75