LUMALAKAS ULIT ANG LOOB NG MGA KRIMINAL

DPA ni Bernard taguinod

HINDI lang mukha kundi lumakas ulit ang loob ng mga kriminal dahil laganap na naman ang krimen sa bansa mula nang magpalit ang gobyerno at mawala sa poder si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero kaya lang napapansin ang mga krimeng ito ay dahil may mga politiko ang ina-ambush at napapatay tulad ng kaso ng gobernador ng Lanao del Sur at Maguindanao Mayor na kapwa nasugat sa ambush.

Hindi nila kasing-swerte si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda na in-ambush sa Nueva Ecija na kanyang ikinamatay kasama ang 5 kasamahan nito sa kanilang sasakyan.

Pero bago ang high profile cases na ‘yan maraming krimen na nagaganap na naman matapos ang 6 na taon na pananahimik ng mga kriminal kasama na ang pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Mas maraming ordinaryong mamamayan ang biktima na posibleng maisama sa unsolved cases dahil hindi katulad ng high profile cases na tinututukan, hindi lamang ng Philippine National Police (PNP) kundi lahat ng law enforcement agencies.

Hindi napansin agad ng mga lider ng bansa ang mga krimeng nangyari mula noong maupo ang kasalukuyang administrasyon pero ngayong may mga pulitikong ina-ambush ay nagpahayag na ng pagkabahala ang Kongreso kaya nagpatawag na sila ng emergency meeting kasama ang PNP at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Hindi lang ang mga mamamatay tao ang bumalik na kundi ang mga magnanakaw dahil sa mga katabing lugar kung saan kami nakatira, nakaririnig kami ng mga impormasyon na nagkakaroon na naman ng nakawan.

Ibig sabihin ay nagpahinga lang ang mga kriminal na ito kasama na ang mga magnanakaw sa nakaraang anim na taon at balik na naman sila sa dating gawi, kung bakit ay kayo na ang mag-isip.

Parang umiwas lang sila na madale noong nakaraang administrasyon at nagpalamig kung saang lugar at nang mawala si Digong ay balik na naman sila sa kanilang criminal activities.

Maging ‘yung mga pasaway sa mga barangay ay balik na sa dating gawi tulad ‘yung pagka-karaoke hanggang madaling araw na kasama sa ipinagbawal ng nakaraang administrasyon.

Walang magawa ang mga barangay official sa kanila, hindi ko alam kung dahil ba sa paparating na barangay election kaya hindi nila masaway ang mga pasaway sa kanilang barangay.

Pero noong panabon ni Digong, aktibo ang barangay officials sa pagbabawal ng pagka-karaoke kapag oras na ng pahinga ng mga tao sa paligid pero ngayon dedma na naman sila.

Nangangahulugan lang ito na depende kung sino ang nakaupong pangulo sa galaw ng barangay officials na parang takot na magpatupad ng batas lalo na kapag malapit na ang eleksyon.

37

Related posts

Leave a Comment