MABILOG NAGPAGAMIT KAY BARONDA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

KINUROT ako ng habag para kay kay dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog.

Lumilitaw kasi na nagamit siya ni Iloilo City Rep. Jamjam Baronda.

Ang kwento, pinilit raw ni Baronda na umuwi si Mabilog, na nananahimik na sa ibang bansa, para malinis ang kanyang pangalan. ‘Yun pala, plano ni Baronda na patakbuhin si Mabilog bilang mayor sa halalan sa 2025.

Pinadalo pa raw ni Baronda si Mabilog sa hearing ng Kamara tungkol sa ilegal na droga. Baka nga naman muling makuha ang simpatya ng mga Ilonggo. Pitong taon nga kasing nawala si Mabilog.

Nanatili siya sa ibang bansa kasama ang pamilya. Okay na sana siya roon pero napilit na bumalik.

Nagdrama pa si Mabilog sa harap ng mga kongresista habang sinisigaw na pinulitika lang siya ni dating Pangulong Duterte kaya napasama sa narcolist.

Hayun, imbes na kaawaan ay marami raw ang nainis. Palpak ang plano, pero pinilit pa rin ni Baronda si Mabilog na tumakbong mayor.

Pero ano itong balita na habang ginagawa niya ito ay nakikipag-usap na siya sa kabilang kampo at humingi ng “unity”?

Ang kawawang Mabilog, naiwan sa ere kaya hindi na lang tumakbo bilang mayor.

‘Yung unity atang sinasabi ay ang paglagda ng joint statement ng dalawang babaeng politiko na walang sinoman na tatakbo laban sa mga kandidato para sa congresswoman at mayor.

Kaya hindi lang konting awa ang mararamdaman natin para kay Mabilog.

Nahaharap pa siya sa napakaraming problema. Nakatakda na ang kanyang arraignment sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan sa susunod na linggo.

Iimbestigahan din siya ng Department of Justice (DOJ) ukol sa kanyang kinalaman sa ilegal na droga.

41

Related posts

Leave a Comment