MAKABAGONG AMA

MAGING WAIS KA

NakaMamanghang isipin kung paanong binago ng panahon ang pagdiriwang ng Father’s Day dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang sulok ng mundo. Hindi lang pamamaraan sa pagdiriwang ang nagbago, maging ang bahaging ginampanan nila sa pamilya at lipunan ay naging progresibo.

Dati-rati, ang pagbati ay natatanggap nang personal, sulat-kamay na mga liham, tawag sa telepono, o kaya naman ay isang malikhaing scrapbook. Tatapusin ang pagdiriwang sa paboritong kainan o sa masarap na salu-salo sa tahanan. Sa kasalukuyan, matatanggap na ang mga pagbati sa pamamagitan ng social media gamit ang napiling larawan o isang video clip. Hindi lang din pamilya ang nabibigyan ng pagkakataon na makabati sa mga Ama ng Tahanan ngunit pati mga kaibigan na malapit at malayo. Marami na ring pagpipilian na kainan sapagkat mahahanap sa internet ang mga kainan na nagbibigay ng pinakamalaking diskwento o pinakamagandang pakulo.

Madalas na biro mula sa mga Ama ng Tahanan na abswelto muna sila sa laba, plantsa, luto, linis ng bahay, at alaga ng mga anak tuwing Father’s Day. Biro subalit totoong nangyayari. Noon, sila ay nakakahon sa pagiging breadwinner, tagapagdisiplina sa mga anak, at haligi ng tahanan.

Ngayon ang tatay ay nanay na rin, ginagawa na rin nila ang gawain ng isang ina. Dahil recognized na ang LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community, kaya’t parang isang ina na rin talaga ang isang ama. Bilang haligi ng tahanan, ang ama ang siyang pinaghuhugutan ng katatagan sa lahat ng pagsubok ng isang pamilya.

Ito ay hindi bago sa akin bilang ama sa aking apat na anak. Naranasan ko rin ang maging Ama sa bayan ng Cainta kung saan kailangang mapakinggan ang bawat nasasakupan. Masaya, mahirap, at stressful. Subalit walang hihigit pa na makatulong at makapagsilbi nang buong puso sa iyong bayan. Masarap akayin ang pamilya at ang bayan sa progresibong buhay.

Ngunit, sa kabila ng pagiging progresibo ng buhay at ng pagiging ama, may mga aspetong hindi kailanman lulumain ng panahon. Ito ay ipagdiwang na ang bawat Ama ay dinisenyo ng Panginoon upang maging matatag na haligi ng tahanan, pundasyon ay pagkalinga at pagmamahal. Araw-araw, maging karangalan sa atin ang isang pagiging Ama. (Maging waIs Ka! /  MON ILAGAN)

140

Related posts

Leave a Comment