MGA BUWAYA SA AIRPORT SIPAIN! BISTADOR Ni RUDY SIM

MARAMI sa ating mga kababayan ang tinitiis na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay upang makaraos sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak at magulang sa pamamagitan ng pakikipagsapalaran na magtrabaho sa ibang bansa.

Kung kaya’t ang iba sa mga ito ay pumapayag na lamang na magbayad sa presyo ng mga tiwaling tauhan ng TCEU upang hindi maharang sa kanilang pag-alis.

Bagama’t, hindi naman lahat ng umaalis sa bansa ay ­hinaharang ng Immigration ­officers, ang mga ito ay dumaraan muna sa matinding ­profiling para malaman kung mayroon nga bang kakayahan ang isang ­pasahero na ­maging tourist at hindi ­magiging public charge o sakit ng ulo ng pupuntahan nitong bansa.

“Gate keepers ” ang trabaho ng isang IO, kanilang sinasala ang mga lumalabas at pumapasok upang mapigilan ang anumang magiging banta sa seguridad ng bansa lalo sa panahon ngayon ng pandemic at upang protektahan ang kababaihan na posibleng biktima ng human trafficking, isa sa problema sa buong mundo ang kalakalan ng laman.

Nasa ating constitution ang “rights to travel” o karapatan ng bawat pasahero na mag­biyahe ngunit ito’y may kaakibat na limitasyon.
Noong nakaraan lamang ay inulan ng reklamo ang tila hindi makatarungang pagpigil ng mga tauhan ng Travel Control Enforcement Unit ng Bureau of Immigration (BI) sa ilang mga pasahero kahit kumpleto ang kanilang dokumento at umano’y pamamahiya sa mga pasahero sa harap ng maraming tao.

Tila sinasamantala ng mga ito ang kanilang kapangyarihan mula noong inagaw ng Intelligence ­Division ang TCEU sa ­kapangyarihan ng Port Operations Division kaya’t nangangamoy ang corruption dahil kahit ito’y dumaan na sa counter ay maaari pa rin nilang harangin.

Isang sumbong ang ating natanggap na ilang tiwaling tauhan umano ng TCEU ang sangkot sa pagpapalusot ng mga babaeng pasahero papuntang Dubai at sinisingil umano ng P120K kada ulo?

Hindi ba’t sa ginagawa ninyo ay kayo ang nagtutulak sa ating mga kababaihan na sila’y gumawa ng hindi maganda at magbenta ng kanilang katawan sa ibang bansa upang mabawi ang ibinayad sa inyo?

Wala bang konsensya ang mga hinayupak na ito at nasisikmura nilang ipakain sa kanilang pamilya ang perang pinaghirapan mula sa dugo’t pawis ng ating mga kababayan?

Kagaya na lamang umano sa kaso ng isang magandang Pinay na pasaherong pinigilang makaalis ng isang Immigration officer na si alias “Peter Parker” ngunit nakiusap na paalisin. Dinala umano sa hotel at pinagsamantalahan ngunit dahil sa takot ay hindi na itinuloy ang kasong “rape” sa kababayan kong kumag.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot

242

Related posts

Leave a Comment