MGA DOKTOR NA ILEGAL

SA TOTOO LANG

Dagsa ang pagdating ng mga banyagang doktor sa Pilipinas ngayon na inirereklamo at nakarating sa kaalaman ni Senador Richard Gordon.

Kung ang talagang intensyon ay makatulong sa mga maysakit, dapat ay maging malinis ang kanilang serbisyo dahil naturingang mga doktor pa naman sila at dapat nga ay mas maayos ang galaw nila dahil wala sila sa kanilang mga sariling bansa.

Ang isyu kasi ay dahil sa marami ang nakikitang Nepalese at Pakistani sa isang lokal na lugar ay kuwestiyonable ang mga ito kung may permiso ba silang legal na manatili rito at iaplay ang kanilang mga na­lalaman bilang mga doktor.

Sabi pa ng senador, sa kanyang pagkakaalam ay may reciprocity principal lamang ang bansa sa Japan, Spain at United States, kabilang pa ang Asean Mutual Recognition.

Ang nakakatakot kasi ay nagrereseta sila ng mga gamot at habang kausap nila ang mga pasyenteng Filipino ay hirap naman ang ating mga kababayang intindihin ang sinasabi ng mga doktor na ito. Paano kung malagay sa alanganin ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayang Filipino? Sino ang papanagutin ng pamahalaan sakaling nawala na lamang sila nang biglaan sa bansa?

Ang pagdami ng bilang ng mga nasabing doktor ay nasa Pampanga kung kaya’t posibleng may iba pang tulad nila na nasa iba namang lugar din.

Insulto ring malaman na sa mga banyagang doktor na ito ay isyu rin na mawalan ng puwesto o trabaho ang mismong mga Filipinong doktor sa bansa. Hindi ba’t hindi pa nga tapos ang isyu ng Pilipinas sa mga nagsidatingang mga Intsik at nagsipagtrabaho rito na kung tutuusin ang trabaho nila ay kaya namang gawin ng mga Filipino.

Kung ganito ang sistema, nagpapakita ng hindi magandang kalakaran sa pamahalaan. Nakakalusot ang hindi dapat makalusot. Ano bang nangyayari na para bang napakadaling makapasok ang mga banyaga at malakas ang loob nilang makakilos nang malaya? Imahe ba ito ng kuntsabahan at korapsyon? (Sa Totoo Lang / ANN ESTERNON)

338

Related posts

Leave a Comment