MGA KASO VS SANOFI PASTEUR, ZUELLIG PHARMA PAG-ISAHIN

EARLY WARNING

TUMATAGAL na rin pero wala pang malinaw na hustisyang nakakamtan ang mga biktima ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccines kaya tama lang ang ninanais ng Public Attorney’s Office (PAO) na pag-isahin na lang ang mga kaso laban sa Sanofi Pasteur Inc. at Zuellig Pharma.

Sa isang mosyon sa Quezon City Regional Trial Court, pinangunahan mismo ni PAO chief Persida Acosta ang pagpapa-consolidate ng civil cases na naisampa ng mga kamag-anak ng 32 batang mag-aaral na namatay matapos maturukan nito.

“Wherefore, premises considered, it is most respectfully prayed of this Honorable Court that the herein motion be granted and that the present case be consolidated with the case entitled ‘Heirs of Abbie Hedia, namely, Ariel A. Hedia and Ruby N. Hedia vs. Sanofi Pasteur Inc., et al.’ with Docket No. R-QZN-18-05227-CV pending before the Regional Trial Court-Branch 226, Quezon City.”

Bukod kay Acosta, ang mga signatories pa ay sina Deputy Chief Public Attorneys Silvestre Mosing at Ana Lisa Soriano, Regional Public Attorney (National Capital Region) Marlon Buan, Regional Public Attorney (Region IV-B) Revelyn Ramos-Dacpano, Public Attorney IV Demiteer Huerta, Assistant Regional Public Attorney (NC) Rigel Salvador, and Public Attorney III Ronald Macorol, Julius Ceasar Balbuena, Marilyn Balbin at Mark Jayson Gambon.

Paliwanag ng PAO, magiging paborable sa complainants kung mapag-iisa na lang ang mga kaso upang mapabilis ang pagbibigay ng desisyon dito dahil maiiwasan ang pagkalito, conflicting ruling at lalo na ang gastos kung magkakahiwalay ang civil suits laban sa isang grupo ng defendants.

Kamakailan lang, ikinatuwa ng PAO lalo na ni Acosta makaraang ibasura ni Branch 226 Judge Manuel Sta. Cruz Jr. ang motion to dismiss na isinampa ng pamunuan ng Sanofi at Zuellig Pharma laban sa kaso ng kamag-anak ni Abbie Hedia, 13, na pumanaw noong isang taon matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.

BAGONG SCHOOL BLDG., PINASINAYAAN NG TIANGCO BROS.

Pinangunahan nina Navotas Mayor-elect and Rep. Toby Tiangco at Mayor and Congressman-elect John Rey Tiangco (JRT), kasama si OIC Schools Division Superintendent Meliton Zurbano ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa 4-storey school building sa Tangos Elementary School – Mother sa Barangay Tangos North.

FULL FORCE ANG BRIGADA ESKWELA

Mismong si Mayor JRT at Vice Mayor Clint Geronimo ang rumatsada kung kaya’t full force ang isang linggong Brigada Eskwela lalo na sa Dagat-Dagatan Elem. School, Barangay North Bay Blvd. South.

Nagpinta ng mga lumang desks ng paaralan ang alkalde, kasama ang volunteers mula sa United States Agency for International Development and Synergeia Foundation, at iba pang stakeholders dito. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

307

Related posts

Leave a Comment