NAVOTOURS NG NAVOTAS, BAB’YAHE NA

EARLY WARNING

Maliit na lokalidad na maituturing ang Lungsod ng Navotas bukod sa ‘di kalakihang pondo pero ‘di ito naging balakid sa magkapatid na sina Mayor Toby Tiangco at Rep. John Rey Tiangco dahil hindi sila naubusan ng programa at proyekto na t’yak na pakikinabangan ng mga residente.

Kamakailan lang, kanilang inilunsad ang Navotours bus para sa mga pampublikong elementarya at hayskul ng lungsod. Ito’y magagamit sa city-funded student field trips sa mga museums, universities at colleges, pampubliko at pribadong institusyon, at iba pa.

Gagamitin din ng mga estudyante at guro na sasali sa mga kompetisyon na gaganapin sa labas ng Navotas.

“Ang ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay nararapat lang makaranas ng parehong kalidad ng edukasyon na natatamasa ng mga estudyante sa mga pribadong paaralan. Kasama rito ang pagpunta sa mga field trip at pagkatuto labas sa klasrum,” ani Rep. JRT.

Bukod sa Tiangco bro­thers, dinaluhan din nina Vice Mayor Clint Geronimo at iba pang local officials, OIC-Schools Division Superintendent Dr. Meliton Zurbano, mga mag-aaral, guro at mga opisyal ng Parents-Teachers’ Associations, ang ginawang paglulunsad.

MALABON ZOO & AQUARIUM DAPAT

SUPORTAHAN LALO NA NG GOBYERNO

Malaking bagay para sa publiko lalo na sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng isang malaking zoo tulad ng Malabon Zoo & Aquarium na itinayo may tatlong dekada na ang nakararaan ni kaibigang Manny Tangco sa Barangay Potrero malapit lang sa MacArthur Hiway.

Mula sa sariling pera at kaunting suporta sa ilang kaibigan, kanyang pinagsikapang itayo ito dahil na rin sa kanyang pagmamahal sa mga hayop kung kaya’t halos hindi na mabilang ang iba’t ibang klaseng alaga n’ya rito na t’yak namang pinagka­kaguluhan ng ma­rami lalo na ng mga mag-aaral on educational trips na nanggagaling sa maraming lugar ng bansa.

“Sa loob ng 30 taon, naka-dedicate ang Malabon Zoo sa pagbibigay-inspiras­yon lalo na sa mga kabataan upang mahalin at pahalagahan ang kalikasan at mga hayop,” ani kaibigang Manny.

Ayaw man aminin ni kaibigang Manny, batid n’yang mas magiging tourist attraction at kapaki-pakinabang lalo sa mga kabataan ang zoo kung magkakaroon ito ng todong suporta lalo sa pamahalaang lokal at nasyunal.

Sa anibersaryo nito, na­ging attraction si Orangutan Pacquiao habang pinade­dede (bottle-feeding) nito ang isang tiger cub at nagpakitang gilas pa rin si King Lion Digong.

Galing mo kaibigang Manny, may your tribe multiply! (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

362

Related posts

Leave a Comment