Nakatutuwa talaga tayong mga Pinoy, ‘winalis’ lang ng bagong alkalde ng Manila na si Isko Moreno ang Recto, Divisoria at Sta. Cruz ng lahat ng traffic obstructions kasama ang illegal vendors, eh pinalulutang na agad na p’wede na siya for president 2022!
Pagtagal-tagal ay hindi rin s’ya malalayo sa naging alkalde ng lungsod na noong una ay nagpakita rin ng ‘galing’ pero nung tumagal balik sa bulok na sistema.
Nothing personal, ika nga, at sa totoo lang bilib ako rito kay Mayor Isko. Kung anuman ang aking nasabi, ito ay isang challenge lang sa kanya at harinawa’y ‘di s’ya magbago at ipagpatuloy ang kanyang nasimulan hanggang sa wakas ng kanyang termino at doon pwede na nating sabihin na siya’y ‘for president 2022.’
NAVOTAS NAKAKUHA NG PINAKAMATAAS NA COA AUDIT RATING
Muling nakatanggap ang Navotas City government ng pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit.
Ayon sa COA 2018 audit report, nakuha ng Navotas ang unqualified opinion sa ikaapat at sunud-sunod na pagkakataon. Ito lamang ang natatanging local government unit sa Metro Manila na may ganitong rekord.
“Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga departamento at tanggapan ng ating pamahalaang lungsod sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa mga mamamayan,” ani dating mayor at ngayo’y Cong. John Reynald Tiangco.
Sa kabilang banda, hinikayat ni Mayor Toby Tiangco ang mga kawani na panatilihin ang pinakamataas na antas.
DRUG-CLEARED BARANGAY
Isa na namang barangay sa Navotas ang nakatanggap ng drug-cleared certification mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Mismong ang magkapatid na sina Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey Tiangco ang nag-abot ng certificate kay Barangay Captain Carlito de Guzman Sr. at iba pang opisyal ng Barangay Tanza I.
“Ipagpatuloy natin ang pinalakas na kampanya laban sa bawal na gamot at sikapin nating mawala na ang salot na ito sa lahat ng 18 barangay sa ating lungsod,” ani alkalde.
Naunang nadeklarang drug-cleared ay ang Navotas East, North Bay Boulevard South Dagat-dagatan, San Rafael Village at Tanza II.
Ang Navotas ay may Text JRT (JohnRey oR Toby) facility na nakatatanggap ng mga mungkahi, reklamo o sumbong.
Ang isang barangay ay itinuturing na drug-cleared kapag wala itong drug supply, drug den, pushers, users at drug laboratory sa petsa na napirmahan ng PDEA ang certification. (Early Warning /ARLIE O. CALALO)
108