PAG-AASAWA NG IBANG LAHI, SAGOT NGA BA PARA SA BIGLAANG PAG-ASENSO?

BANTAY OFW

Tatlo lamang ang malimit na dahilan ng mga OFW kaya sila ay nag-a-abroad. Una, pa-ra mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Ikalawa, para magkaroon ng munting negosyo at ang ikatlo ay ang magkaroon ng sari¬ling tahanan.

Malimit sa mga pro¬binsya ay sobrang hinahangaan at tinitingala ang mga OFW na umuuwi na may magandang tahanan at ilan sa mga dahilan ay dahil sa nakapag-asawa ng ibang lahi. Dahil sa nakitang pag-asenso ng kanilang kapit-bahay o kamag-anak, kung kaya naeengganyo na rin sila upang makapag-abroad at ang malimit na biruan ay “mag-asawa ka agad ng ibang lahi” para umasenso.

Kamakailan ay panay-panay ang labas sa newsfeed sa social media ng mga reklamo ng mga asawang lalaki dahil sa ang kanilang asawa ay nakikipagrelasyon sa ibang lahi at nakikipaghiwalay gayung may pamilya at mga anak na sa Pilipinas. Kumakalat din sa social media ang ilang litrato ng mga kababaihang OFW na may kayakap at kahalikan na ibang lahi.

Nakakaligtaan ng ma¬rami nating kababaihan na OFW na ang mga ibang lahi na katu-lad ng Bangladeshi, Indiano, Pakistani at Palestinian ay katulad din natin ang pa-mumuhay sa kanilang bansa, kung kaya nga sila ay nag-abroad din. Kaya hindi gar-antiya na ang pag-aasawa ng ibang lahi ang siyang magiging daan ng pag-asenso sa buhay.

Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang sumbong na aking natanggap sa Bantay OFW mobile apps mula sa isa nating kabayani na nakapag-asawa ng isang Palestini-an.

“Minamaltrato ako ng asawa kong Palestinian. Andito ako sa UAE ngayon at nagwo-work. Sinampahan ko siya ng kaso dahil sa pananakit niya sakin at pagtulak niya sa akin palabas ng kotse habang tumatakbo ang sasakyan.

Nagsampa rin ako ng reklamo sa kanya sa pag-anal sex niya sa akin at kung mag-sex kami ay malimit na pinapasok n’ya ang handle ng hair brush sa ari at puwet ko. Maraming beses na po niyang ginagawa ito sa akin. Nitong January 15, 2019 ay pi-nasok niya ang kamay niya sa ari ko at hinila niya ang cervix ko. I was bleeding for 15 days that time.”

Noong nabasa ko ang reklamo na ito ay agad kong ipinadala sa kinauukulan upang mabigyan siya ng suportang legal para mabigyan siya ng hustisya sa pambababoy at pag-aalipusta sa kanya ng kanyang napangasawa na ibang lahi.

Maging aral sana ito sa lahat ng kababaihang OFW na hindi sa lahat ng pagkakataon, ang pakikipagrelasyon sa ibang lahi ay solusyon sa mabilis na pag-asenso sa buhay.  (Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

252

Related posts

Leave a Comment