PAGTATAG NG HEALTH PROMOTION COMMISSION DAPAT MAISABATAS

FORWARD NOW

ISINUSULONG natin sa Kongreso ang paglikha ng Health Promotion Commission na popondohan mula sa 20% ng natitirang incremental revenues na nakalaan para sa kalusugan alinsunod sa Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law.

Ang House Bill 5515 (An Act Establishing a Health Promotion Fund and Health Promotion Commission to Oversee the Implementation of Health Promotion in the Philippines and for other Purposes) ang titiyak ng pangmatagalang pangangalaga sa kalusugan ng bawat Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong kaalaman ukol sa programa.

Ang pangunahing tungkulin ng komisyon ay upang mabuo ang National Health Promotion Policy Framework and Action Plan para masiguro na kalusugan ang mangunguna sa lahat ng mga polisiyang gagawin, pati na rin ang pagpapakilos ng mga mekanismong panlipunan at ma-monitor ang pagpapatupad ng programa.

Gagawa rin ito ng rekomendasyon na makatutulong sa pagsulong ng kalusugan upang ating makamtan ang mga layunin sa kalusugan ng buong bansa, kabilang din dito ang paghahatid ng wastong impormasyon sa mamamayan patungkol sa kalusugan, pag-aaral sa mga polisiya, pagsusuri sa kasalukuyang batas para matiyak ang proteksyon sa kalusugan at pagpapatupad ng pilot health promotion projects na magiging basehan sa paggawa ng mga polisiya at mga irerekomendang programa.

Ang pagtaas ng kaso ngayon ng mga nakahahawang sakit na kayang pagalingin ng mga vaccine ay nagpapahiwatig sa amin na baka mali ang ating diskarte. Ang nakaaalarmang pagdami ng degenerative and lifestyle diseases gaya ng hypertension, cancer, diabetes at mga aksidente, na ayon sa mambabatas ay nangangailangan ng long term investments para ito ay maiwasan.

Ito ang rason kung bakit kailangan natin ang Health Promotion Commission na multi-sectoral and inclusive. Hindi natin matatapos ang isyu sa kalusugan ng publiko sa pabagu-bagong paraan. Kailangan itong maging sistematiko, na may positibong pananaw para sa pangmatagalang tagumpay.

Sakop ng panukalang batas na ito ang mas malawak na panlipunan at mga interbensyon sa kapaligiran upang mapakinabangan at maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan at magkaroon ng de-kalidad na buhay sa pamamagitan ng pagsupil sa ugat o pinagmumulan ng malalang sakit, hindi lamang sa pagtutok ng paggamot at pagpapagaling.

Ang pangangailangan ng mga kabataan, kababaihan, mahihirap, matatanda, may kapansanan, at marginalized sectors ay dapat unahin upang matugunan ang umiiral na kakulangan sa mga programang pangkalusugan.  (Forward Now  / Rep. Fidel Nograles)

148

Related posts

Leave a Comment