PINOY NA MAY ‘TT’

At Your Service Ni Ka Francis

BAGAMA’T maliit lamang na lahi ng tao sa buong mundo ang mga Pinoy, ay kilala naman ang mga ito sa Tibay at Tatag (TT) ng dibdib.

Sa trabaho ay maaasahan ang mga Pilipino na kayang gawin ang lahat maging mabigat man o hindi.

Tulad na lamang ng mga sundalong Pinoy na kahit mahinang klase ang kanilang armas kontra sa mga kalaban ay kaya nilang makipagsabayan.

Hindi sila nagpapahuli sa mga sundalo ng mayayamang bansa tulad ng Amerika, Britain, Australia, Israel, Japan at Korea.

Kung anong kaya ng mga bansang ito sa larangan ng “TT” ay hindi matatawaran ang mga sundalong Pinoy.

Nasubukan ng mga sundalong Kano at Hapon ang “TT” ng mga Pinoy noong panahon na sinakop nila ang Inang Bayan ni Juan dela Cruz.

Kahit na advance ‘di hamak ang mga armas ng mga sundalong Kano noong panahon na sinakop nila ang Pilipinas, ay hindi sila inatrasan ng mga Pinoy.

Tulad na lang halimbawa ang nangyari nang sunugin ang Samar na kung saan ay tinapatan ng mga Waray ng itak lamang ang mga baril at machine gun ng mga Kano.

Naging hudyat ng pagsalakay ng mga Pinoy sa kampo ng mga Kano sa Balangiga, Eastern Samar, ang kinaroonan ng makasaysayang kampana (bell) ng simbahan, para simulan ang kanilang pagsalakay na dala-dala nila ang itak o bolo laban sa mga baril at machine gun ng mga dayuhang nanakop sa kanilang bayan.

Sa pangyayaring ito, isa na lamang ang natira o nakaligtas sa mga Kano na tumawid sa pamamagitan ng paglangoy sa karagatan patungo sa Tacloban, Leyte na nag-report kung saan nakabase ang kanilang malaking pwersa.

Nasubukan din ng mga Hapon ang “TT” ng mga Pinoy dahil kahit ordinaryong sibilyan na sumama sa pwersa ng guerilla ay lumaban at nakipagsabayan laban sa mga sundalong Hapon.

Bagama’t mas advance ang mga armas ng mga Hapon kaysa mga Pinoy ay hindi sila nagpatinag sa mga sundalong nagmula sa bansang binansagang, “The rising sun”.

Tinapatan ng mga paltik na baril ng mga Pinoy ang malalakas na armas ng mga sundalong Hapon na tulad ng machine, tangke, bazooka, mortar at iba pa.

Hindi nagpasindak ang mga Pinoy, bagkus ay nagpakita sila ng “TT” sa kanilang mga kalaban.

Lalo pa sanang lalakas ang loob at magkakaroon ng “TT” ang mga Pinoy kung patuloy tayong susuportahan ng ating gobyerno.

oOo

Kudos sa good deeds na ginagawang Kabalikat sa Kalusugan ng pamunuan ng Valenzuela City Police Station sa pangunguna ni kuya Police Colonel Nixon Cayaban, P/LTC Amor Cerillo, bilang ACOPA, at Police Major Penelope Cautiver, chief, SARMS/S1, sa pagbibigay ng libreng gupit, feeding program at distribution ng hygiene kit gaya ng toothpaste, sabon, alcohol at iba pang mahahalagang kagamitan sa mga bilanggo at sa iba’t ibang bahagi ng Valenzuela City.

Salamat din pala sa pagbisita ng dalawang bagong Police Captain na abogado, at tatlong Police Inspector na chemist at psychologist. Dalangin ko na marami pa kayong matutulungang kapwa tao.

Ang mabuting gawaing nasimulan ay magpatuloy sana at marami pa kayong matutulungang mamamayan ng Valenzuela City.

128

Related posts

Leave a Comment