NAPAKALAWAK ng kasaysayan ng sabong.
Kahit pa noong antigong panahon, may ganyang libangan na.
Pagdating sa cockfighting, pagalingan talaga ng alaga.
Sa ibang bansa, tulad ng Thailand ay isang tourist attraction ang cockboxing.
Inihahalintulad ito sa kickboxing o Muay Thai ng mga mamamayan nila.
Kung sila ang tatanungin, mas katanggap-tanggap ito.
Hindi raw kasi namamatay ang mga manok.
Walang tari ang mga manok na sumasabak dito.
Anuman ang sandata, kung sino ang magwawagi ay ibinabase sa resulta ng laban.
Ganyan sa sabong.
Ang nananalo ay idedeklarang panalo.
Tunay na nakapagdudulot ng kasiyahan sa tao ang sabong.
Kumbaga, libangan na lang talaga ito at nagiging tradisyon na rin.
Bahagi na rin ito ng ating kultura kaya’t mahirap na itong burahin sa Pilipinas.
Samantala, nang magka-pandemya at nawala pansamantala ang physical na sabong, ipinanganak na nga ang e-sabong.
Tinatangkilik ito ng mga tao, partikular ang Pitmaster Live.
May katuwang din itong Pitmaster Foundation na tumutulong naman sa mga nangangailangan sa gitna ng krisis.
Aba’y walang tigil itong namamahagi ng donasyon.
Aabot sa P750,000 ang idinonate ng Pitmaster sa St. John Church sa Taytay, Rizal.
Ang layunin ng foundation ay tulungang mapanatili ang yaman na kultura ng bayan.
Namamahagi rin ito ng wheelchairs sa mga may kapansanan.
Nagdo-donate rin sila ng mga ambulansya sa mga mahihirap na bayan at lungsod.
Sa ganitong paraan, natutulungan nila ang mga lokal na pamahalaan sa pagbangon ngayong krisis at sa paglaban sa pandemya.
Kaya saludo tayo sa lahat ng mga bumubuo ng Pitmaster Foundation at Pitmaster Live.
Nawa’y lumawak pa ang inyong grupo at dumami pa ang inyong mga natutulungan.
Mabuhay po kayo at God bless!
86