ROMUALDEZ NAGPAALALA SA PNP, PCG NGAYONG HOLY WEEK

KAALAMAN Ni Mike Rosario

NAGPAALALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga awtoridad na gampanang mabuti ang kanilang mga trabaho ngayong Semana Santa para maiwasan ang sakuna sa taumbayan.

Partikular na pinaalalahanan ni Romualdez ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ngayong mahabang bakasyon dahil sa Holy Week.

Napansin ni Romualdez na sa tuwing may mahabang bakasyon, hindi maiwasan ang mga aksidente sa lansangan at sa mga karagatan.

Sinabihan pa niya na magsagawa ng masusing inspeksyon ang mga pulis sa mga public transport bago umalis ng terminal para malaman kung ito ba ay ligtas sakyan ng mga tao.

Kasabay nito ay pinatitiyak din ni Speaker Romualdez sa Coast Guard personnel na dapat ay hindi overloaded ang mga sasakyang pantubig at dapat ay may life vests.

Ayon pa sa mambabatas, maiiwasan ang aksidente kung uunahin ang maintenance at inspeksyon sa mga sasakyan, pandagat man o panlansangan.

Ayaw ni Romualdez na maulit ang nangyari mga sakuna na maraming Pilipino ang nagbubuwis ng buhay dulot ng mga aksidente sa karagatan at lansangan.

Kung hindi man sasakyan ang may problema na nagiging sanhi ng aksidente, ay ang mga nagmamaneho nito dahil sa sinasabing “human error”.

Ugali na nating mga Pinoy na tuwing Semana Santa, Pasko at iba pang okasyon ay sabay-sabay tayong umuuwi sa pinagmulan nating mga lalawigan.

Kaya tama lang na bigyan ng paalala ni Speaker Romualdez ang PNP at PCG na gampanan nila ang kanilang mga trabaho.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang motto ng PNP ay “To Serve and Protect”.

Minsan kasi ‘pag hindi natin ginising ang mga awtoridad ay tila parang mga natutulog sa pansitan na walang pakialam sa kanilang mga trabaho bilang mga lingkod bayan.

Kaya kailangan silang gisingin ng mga kinauukulan para mabuhay ang kanilang mga diwa at magtrabaho.

142

Related posts

Leave a Comment