ROSE LIN SA MGA NAG-AAKUSA SA ASAWA NIYA, MAGSAMPA NG KASO SA KORTE

PUNA ni JOEL O. AMONGO

HINAMON ni Rose Lin, Pinay na asawa ni Lin Wei Xiong, na magsampa na lang ng kaso sa korte laban sa kanyang asawa ang mga nag-aakusa na sangkot ito sa illegal drugs.

Sa pagdinig sa Quad Committee sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sa video statement ni dating PCol. Eduardo Acierto, sinabi nitong si Lin Wei Xiong, negosyante, ay siya ring si Allan Lim na pinaghihinalaang drug personality na malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Rose, ang report ni Acierto noong 2019 kina dating Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Oscar Albayalde at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, na dawit ang kanyang asawa sa ilegal na droga at gumagamit ng maraming pangalan, ay walang basehan.

Sa nasabing report ni Acierto, nadiskubre niya sa pamamagitan ng isang impormasyon na may koneksyon sina dating Pangulong Duterte, Michael Yang at Allan Lim na kilala rin bilang si Lin Wei Xiong, sa kalakalan ng illegal drugs sa bansa.

Kaya aniya, kung may basehan ang mga nag-aakusa ay magsampa na lang kaso sa korte at haharapin nila, “So that we could respond accordingly to the false accusation against my husband,” kasabay sa pagtitiyak nito (Rose) na makikipagtulungan siya sa kasalukuyang imbestigasyon ng Quad Committee.

“My husband is being accused of something that he is not. He is a legitimate businessman,” pahayag pa niya.

“My husband’s name is Lin Wei Xiong,” dagdag pa niya. “My husband also uses the name Jeffrey, but not Allan.”

Banggit pa niya, sa nakalipas na 11-taon nilang pagsasama ay wala siyang alam na ibang pangalan na ginagamit ang kanyang asawa.

Itinanggi rin ni Rose na nagtago ang kanyang asawa sa Dubai, at sinabing nakipagkita sila noong Nov. 1 sa Hong Kong sa kanilang supervisors para sa kanilang mga negosyo sa nasabing bansa.

Ipinaliwanag niya ang lahat nang maimbitahan siya sa House Quad Committee investigation kung saan si Acierto ay nag-testify via Zoom.

Sa parehong pagdinig, sinabi ni dating PDEA chief Wilkins Villanueva sa mga mambabatas, na si Allan Lim na iniuugnay sa illegal drugs, ay hindi ang parehong tao sa dalawang litratong ipinakita, na kinumpirma ni Rose Lin dahil ang kanyang asawa ay walang balbas.

“Sa image identification Mister Chair, I confirm na hindi sila pareho…,” ayon kay Villanueva.

Abangan na lang natin ang isasampang kaso ni Maam Rose Lin laban kay Acierto.

60

Related posts

Leave a Comment