NITONG nakaraang ilang araw at linggo ay kapansin-pansin ang sobrang pagsakay nina Isko Domagoso, dating SC Justice Antonio Carpio at Leni Robredo kasama ang mga kampon ng mga dilawan, sa isyu ng umano ay P203-B estate tax ng mga Marcos.
At dahil nga wala silang ibang pakay kundi gibain ang kandidatura ni presidential frontrunner Bongbong Marcos, ay pinipiga nila nang husto ang isyu at pinalalabas pa na hindi sila nagbabayad ng dapat bayaran sa gobyerno.
Siyempre naman ay paniwalang-paniwala ang mga kampon ng mga kalaban sa kasinungalingang pilit na ipinakakalat nina Carpio na wala naman talagang ibig gawin kundi sirain ang pangalan at imahe niya sa mata ng mamamayan.
Pero dahil nagsisinungaling nga sila at naninira lamang ay lumabas din ang katotohanan na wala naman talagang kasalanan ang mga tagapagmana ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
At ang nagsiwalat nga ng katotohanan ay walang iba kundi ang mismong regional directors at district directors na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa isang pahayag na lumabas sa pahayagang Manila Bulletin, diretsahan nilang sinabi na hindi maaaring pilitin ng pamahalaan o maging ng korte ang mga tagapagmana ni dating Pangulong Marcos na bayaran ang P203-B na sinasabi nina Carpio et al.
Anila, ang estate tax ay sinisingil o binubuwisan mula sa real at personal properties ng namayapang may-ari ng estado at hindi mula sa pag-aari ng
kanyang mga kamag-anak.
Dagdag pa nila, ang puwedeng gawin ng pamahalaan base sa Tax Code ay ilitin o kumpiskahin ang mga pag-aari ng yumao at pagkatapos ay ibenta ito sa isang public auction.
Ang layunin naman ng public auction ay upang ma-recover kung ano man ang halagang dapat bayaran ng estate sa BIR.
In fairness, sa panig ng mga Marcos, kahit kailan ay hindi sila nagpahayag ng pagtutol kung ano man ang plano ng pamahalaan sa estate tax basta’t gagawin lamang ito nang naayon sa mga itinatakda ng batas at matapos ang masusing pag-aaral ng mga concerned na awtoridad at tanggapan.
Sa madaling salita ay talagang sablay sina Carpio, Isko, Leni at lahat ng iba pang nagmamagaling tungkol sa usaping ito.
Maliwanag na walang tinatakbuhang utang sina BBM kaya klaro na isa lang itong gimmick at political propaganda na ginagamit ng mga kalaban para sirain siya at dungisan ang kanyang pangalan at pigilan ang kanyang tiyak na panalo sa Mayo 9.
Kaya sana ay malinaw na ito sa ating mga kababayan at huwag silang maniwala sa mga misleading na propaganda ni Carpio!
136