SMARTMATIC ANG TOTOONG COMELEC

FOR THE FLAG

Pinababasura na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paggamit sa Smartmatic ngunit itong Commission on Elections (Comelec) pag-aaralan pa umano kung mayroong legal basis ang ibig ng pangulo.

Hindi natin alam kung alam ba ng Comelec ang sitwasyon nila. Taga-imprenta na lamang sila ng balota. Printing press na lamang ang Comelec. Hindi ba nila nahahalata ‘yun?

Smartmatic na ang tunay na Comelec dahil ito ang gumaganap na Comelec sa ating mga halalan. Smartmatic na ang bumibilang at nagsasabi kung sino ang mga nanalo sa halalan. Ano pa ang silbi ng Comelec? Ni hindi nga ito ang nag-iimprenta ng mga balota, National Printing Office at ang Asian Productivity Office (APO) ang siyang nag-iimprenta ng mga ito.

Hindi rin Comelec ang may kontrol sa mga vote counting machine. Ni wala ngang access ang Comelec sa log-in ng mga election server.

Ngayon sasabihin ng Comelec kung may basehang legal ba ang ibig mangyari ng pangulo. Nahihibang yata itong Comelec, hindi ba nila nalalaman na napakarami na ng duda ng ating mga kababayan sa computerized election kuno ng Comelec?

Iniaasa sa isang foreign company ang boses ng sambayanang Filipino? Ganyan ka-pathetic ang Comelec.

Taong 2005 pa lamang ay nagtipun-tipon na ang IT experts na pawang mga Filipino upang magbigay ng kanilang disenyo at proposal para sa isang computerized na halalan, ngunit mas pinili ng Comelec ang isang dayuhang teknolohiya.

Masyado bang malakas ang pressure ng CIA o ma­syadong malaki ang komis­yon?

Malabo na talaga ‘yang Smartmatic na ‘yan, dama ng pangulo ‘yun, kaya upang mapanatili ang integridad ng ating halalan, tigilan na ‘yang Smartmatic na ‘yan, kumuha ng bagong supplier, mas maiging local technology na ang gamitin. (For the Flag / ED CORDEVILLA)

128

Related posts

Leave a Comment