PINAPURIHAN ng mga taga Timog Katagalugan ang kasalukuyang administrasyon dahil sa pagkakaloob ng bagong prangkisa para sa TV at Radio station sa naturang lugar.
Kamakailan lang kasi nilagdaan ni President Rodrigo Roa Duterte ang House Bill No. 10122, na inakda nina Quezon 4th District Rep. Angelina ”Helen” Tan at Rep. Wilfrido Mark Enverga ng 1st District ng Quezon, na nagbibigay ng prangkisa para sa radyo at telebisyon ng Southern Luzon State University (SLSU) sa loob ng 25 taon.
Isinasaad sa nilagdaang Republic Act No. 11680 ni Duterte na…” An Act Granting Southern Luzon State University (SLSU) a franchise to construct, install, establish, operate, and maintain for educational and other related purposes radio and television broadcasting stations within its campuses in the Province of Quezon.”
Sinasabi rin sa nasabing batas na pinapayagan ang SLSU na magsimula at gamitin ang radio at television broadcasting stations para sa edukasyon, kultural, at sa iba pang kauri nito para sa interes ng publiko kung saan ang frequencies at channels ay available para sa radio at television broadcasting, kabilang na ang digital television system, sa pamamagitan ng microwave, satellite at sa iba pang paraan, gayundin ang paggamit ng bagong teknolohiya sa television at radio systems, na may kaukulang technological auxiliaries at facilities, special broadcast at iba pang programa at distribusyon ng mga serbisyo sa loob ng campus sa Lalawigan ng Quezon.
Pinasalamatan ni Cong. Helen Tan, miyembro ng Kongreso sa ikatlong termino, ang franchise law na inilarawan niya na nagbibigay ng kalayaan sa SLSU na maghatid ng serbisyo sa marginalized students at sa general public na nakatira sa mga lugar na walang internet kagaya ng Timog Katagalugan.
“The franchise to operate radio and television stations serves to broaden the SLSU’s coverage and capacities as an effective instrument in information dissemination geared largely to promote community development and facilitate
better public service. The law will enable the SLSU to heighten its response to the need to deliver educational services amid the COVID-19 pandemic,” paliwanag ni Tan.
Sa ilalim ng R.A. 11680, ang SLSU ay binibigyan ng mandato na magkaroon ng sapat na oras na serbisyo publiko upang magawa ng pamahalaan na maipaabot sa populasyon ang mahahalagang public issues, magkaloob nang maayos at balanseng programa at tumulong sa pagpapakalat ng public information at edukasyon.
Idinagdag pa ni Cong. Tan na…” ang pagbibigay o pagkakaloob ng prangkisa sa SLSU, ay mahalaga sa pagtatasa o pag-aanalisa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) kaugnay ng epekto ng COVID-19 sa edukasyon sa buong mundo.
79