Misyon Aksyon, sana po mabigyan ng pansin ng Malacañang na ipagbawal na ang pag-e-escort sa mga nililibing na mga patay dahil mistulang pag-aari nila ang kalsada dahil sa bilis ng kanilang escort na hagad.
Gaya po ng isang pangyayari na dumaan sa kahabaan ng Qurino Highway SJDM Bulacan na may isang opisyal na ililibing ay kung makahawi ng motorista ang mga hagad ay wagas.
Alam naman nila na ang trapik sa NCR ay grabe na. Paano naman iyong mga sasakyan nilang iniwan sa tabi o kaya sa intersection lalong nagkakabuhul-buhol.
Gumagalang
Mr. Tabi ng Bulacan
Double Barrel
Misyon Aksyon, biktima po kami ng double barrel. Ang anak ko po rito sa Bulacan, Jan. 9, 2019 siya pinatay na umano’y nakipagbarilan sa mga awtoridad sa Bulacan.
Batid ko po na ayaw ninyong tumulong sa mga natotokhang lalo na kapag sangkot sa droga.
Ganito po ang pangyayari sa aking anak. May kaibigan po siya na may kilalang umano’y most wanted sa aming bayan.
Nakiusap na ihatid ang kababata niya. Mantakin mo kinabukasan nabalitaan namin na pinatay at may tatlong tama ng bala sa dibdib.
Ano po ang dapat naming gawin kasi malakas po sila sa mga awtoridad at nagbabanta na isusunod na kami.
Gumagalang
Pieta
Tinatawagan: Pangulong Rodrigo Duterte at Region 3 director PBrigGen Joel Napoleon M. Coronel. Mga sir, pakiimbestigahan naman po ang reklamong ito.
Dapat siguro ipagbawal na ang pagbibigay ng escort sa mga patay dahil hindi naman po nagmamadaling ihatid ang mga ito sa huling hantungan. Kay Gen Coronel, sir, dapat siguro isang malalim na pagsusuri sa mga nasasangkot sa krimen, kawawa naman po ang mga walang kasalanan.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG, Homeowners at iba. Cellphone No. Smart 09420874863/ 09755770656 Email address: Misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com.http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)
132