(NI ABBY MENDOZA)
IPINAPANUKALA ni 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero ang pagtatayo ng Social Media Regulatory Board na magbabantay sa social media sites sa layunin na magkaroon ng proper standard at protocol sa mga social media.
Ayon kay Romero, kung mayroong susundin na standard ay mababantayan ang mga social media sites gaya ng Facebook at Twitter pagdating sa kanilang identity schemes, information sharing and dissemination, security mechanics at overall interaction.
Sa House 188 ni Romero bubuuin ng itatayong regulatory board ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation cyber crime division, Department of Justice, kinatawan ng pribadong sektor, executive director na itatalaga ng Office of the President at lahat ng Internet Service Provider host gaya ng Facebook, Twitter at Google.
Partikular na tinututukan ng panukala ang paglalabas ng mga impormasyon kaugnay ng isang kompanya at pagkakaroon ng bawat kompanya ng polisiya sa multi-media, social networking websites, blogs at wiki para sa professional at personal accounts.
Naniniwala si Romero na kung my ganitong regulatory board na mangangasiwa sa kung ano lamang ang dapat na ilabas sa social media ay maiiwasan din ang fake news gayundin ay magkakaroon ng responsableng mga user.
“It is not about being anonymous or even pretending to be someone else. It is about controlling which subsets of true facets of a person are relevant in different social contexts. This is fundamentally not deceptive but actually enables one to be authentic,”paliwanag ni Romero.
Dagdag pa ni Romero na kung may ganitong regulatory board ay mababantayan din ang mga corporate leaks, personal confessions at ilang expose na idinadaan sa social media sa hangarin lamang na makapanira at magtatago sa pagiging anonymous.
148