Misyon Aksyon, masyadong matapang ang isang pulis na si PCpl Belfred Delarosa ng PCP 3 Pabahay 2000.
Nitong August 29, 2019 bandang alas-kuwatro ng hapon nang lumabas ako para i-claim ang padala sa akin.
Nakasakay po ako ng aking motor mula sa kanto na may 50 metrong layo sa aming bahay ay may checkpoint. Nakita ako ni PCpl Delarosa, nilapitan ako at tinanggal ang helmet. Tinanong ko kung ano ang vilolation ko. Sa halip na sagutin ako nang maayos ay agad akong pinagmumura.
Sir, sa dami ng aking naging karanasan sa checkpoint hindi bastos ang mga pulis na nakakaharap ko, nang ibigay ko lahat ng kailangan, lalong nagalit si Delarosa at pinitsarahan ako, kinaladkad para ipasok sa mobile. Mabuti na lang at may mga nakakita sa aking kapitbahay na kapwa pulis na nakatalaga sa MPD kaya ako binitiwan.
Masakit po nito, Misyon Aksyon, iyong asset niya agad na kinuha iyong CP ko at binasa ang mga laman, sabay sabing pasalamat ako dahil ‘di raw ako itinumba.
Sana po mabigyan ako ng katarungan at mabigyan ng leksyon upang hindi maulit sa iba at hindi masira ang imahe ng pulis. Gumagalang, Mr. J. M Lucas
Sinamahan ng Misyon Aksyon sa Region 3 Camp Olivas upang ilapit ang problema ni Mr. J. M. Lucas sa tanggapan ni PCol Nicolas Torre III, Chief Regional Staff ng Region III. Dito ay tinawagan si PLtCol Orlando Castil Jr., Chief of Police ng San Jose Del Monte, Bulacan City na magsagawa ng imbestigahan sa reklamo na idinulog ng pamilya Lucas laban kay PCpl Belfred Delarosa at asset nito makaraan niyang kaladkarin at pitsarahan nang kanyang sitahin sa isang checkpoint sa Pabahay 2000 Barangay Muzon. Ito ay ang abusadong pulis na binigyan lang ng karapatang magpatupad ng batas ngunit abusado ito.
Tinatawagan: PNP chief PGen Oscar Albayalde. Sir, dapat itapon sa Mindanao si PCpl Belfred Delarosa dahil matapang at abusado.
oOo
Nakikiramay po ang inyong lingkod sa mga naulila ni Alvin Mangila Licayan na pumanaw kamakalawa. Ang kanyang labi ay nakaburol sa kanyang tahanan sa Phase 6-A PNWC Barangay Kaypian SJDM, Bulacan.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG, homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 Email address: Misyonaksyon@yahoo.com/ arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)
186