WOW GALING!

PRO HAC VICE

Mapapa-wow ka talaga sa naging presentasyon ng opening-ceremony o pagbubukas ng South East Asian Games (SEAG) na ipinamalas ng bansa bilang siyang host sa naturang event.

Wala kang maririnig mula sa bibig mula sa karamihan ng ating mga kababayan kundi kasiyahan at paghanga sa nakita nilang presentasyon sa pagbubukas ng SEAG.

Ang hindi nga lang maganda ay ang komento mula sa mga umano’y nagmamalasakit kuno sa pondo ng bayan na ginamit sa SEAG.

Isa pa sa mga ‘di kagandahang nagkomento ay ang Pambansang Kamao ng Davao na si Mayor Sara Duterte-Carpio.

Bakit daw ‘yung awitin ng Hotdog na Manila ang ginamit na background na awitin sa pagbubukas ng SEAG gayung hindi raw ito nagre-presenta ng kabuuan ng Filipino, kasi paano raw ang mga taga Visayas at Mindanao?

Naku, mayor, kilala po ang Pilipinas sa ibang bansa bilang Maynila, hindi po Luzon, Visayas at Mindanao.

Bakit, pag sinabi ba’ng Maynila binabalewala na ang mga taga Visayas at Mindanao? Ako po, Mayor Sara, ay batang Mindanao… “You know what I’m saying,” sabi nga ni Ted Failon ng DZMM.

Kung hindi ninyo alam, Mayor Sara, maraming naninirahan sa Maynila mula sa Visayas at Mindanao. So papaano ‘yon hindi sila kasama sa nagre-representa ng Maynila?

Sana bago pa man ang pagbubukas ng SEAG nag-ambag na kayo ng inyong suhestiyon na dapat ang back ground music ay magre-representa sa buong bansa.

Bakit, porke ba’t walang nananalaytay na dugong Tagalog sa katawan mo ay ‘di ka na puwedeng tawaging Manileño kung nakatira ka sa Maynila at bilang isang Filipino?

Samantalang ang mahal na Pangulong Duterte nga eh napapaindak pa sa naturang background music.

Buti na lang hindi apektado ang mga manlalaro ng Pilipinas dito!

oOo

CONGRATULATIONS!

Sa lahat ng mga manlalarong may pusong Pinoy na patuloy na humahakot ng medalya sa ikalawang araw ng SEAG. Puso! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

357

Related posts

Leave a Comment