SINIBAK sa puwesto bilang hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Investigation and Assessment Center si ARD Vic Lorenzo dahil sa umano’y maanomalyang operasyon, habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon ng NBI Internal Affairs Division (IAD).
Ang nagrekomenda na sibakin si Lorenzo ay mismong si OIC NBI Director Eric Distor. Kasabay nito, iniutos na repasuhin ang umiiral na cybercrime at iba pang operational guidelines at procedures para magkaroon ng mas organisadong pamantayan at hakbang kaugnay ng mga operasyong isinasagawa ng iba’t ibang operational units ng National Bureau of Investigation (NBI) sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Distor, ang muling pagtatasa at pagrepaso sa mga alituntunin sa pagpapatakbo ng bureau ay naglalayon din na bawasan ang pang-aabuso ng mga awtoridad. (RENE CRISOSTOMO)
104