‘OPLAN BIYAHENG AYOS’ INILUNSAD NG PCG

INILUNSAD ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “Oplan Biyaheng Ayos” sa iba’t ibang pantalan upang makarating sa kani-kanilang destinasyon nang ligtas ang mga uuwi sa kanilang mga lalawigan para sa Undas 2022.

Batay sa ulat ng PCG, 1,895 personnel ang idineploy nitong Martes, Oktubre 25, na mag-iinspeksyon sa 72 vessels at 1,686 motorbancas.

Nakapag-monitor na rin ng 7,416 outbound passengers at 6,880 inbound passengers sa lahat ng daungan at daluyan sa buong bansa.

Bukod sa pagtataguyod ng maritime security at maritime safety, tumutulong din ang mga tauhan ng PCG sa pagpapatupad ng health protocols para isulong ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Layunin ng ahensiya ang seguridad ng bawat indibidwal na mananakay sa mga barko gayundin sa mga ferry boat kaya nagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga pantalan. (RENE CRISOSTOMO)

178

Related posts

Leave a Comment