OVERSEAS DEPLOYMENT BAN MALABONG BAWIIN NG MALAKANYANG

TINIYAK ng Malakanyang na hindi babawiin o ili-lift ng Pilipinas ang overseas deployment ban sa mga healthcare worker sa hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang deployment ban ay mananatili sa kabila ng pagsalungat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakipagtalo pa dahil ang pagbabawal aniya sa mga doktor, nurse at iba pang medical professionals sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay   unconstitutional.

Sinabi pa ni Sec. Roque na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deployment ban par  protektahan ang kalusugan at buhay ng mga Filipino healthcare worker at paigtingin ang  medical manpower ng bansa sa gitna ng pandemya.

“Napag-usapan po ‘yan sa IATF [ Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] and we all concurred with the opinion of the President except for Secretary Locsin,” ayon kay Sec. Roque.

“The President encourages free thought even among Cabinet secretaries especially on matters that do not fall within their primary jurisdiction,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

At nang tanungin kung darating ang panahon na ili-lift ng bansa ang  travel restrictions sa medical professionals ay sinabi ni  Sec. Roque: “Wala po siguro.”

Noong nakaraang linggo, hinikayat ni Sec. Roque ang mga health worker na magkaroon muna ng karanasan sa bansa sa pamamagitan ng pag-a-apply para sa posisyon sa ilalim ng COVID-19 emergency hiring program ng pamahalaan.

Tanging ang mga healthcare employees na mayroong government-issued overseas employment certificates (OEC) at verified work contracts ‘as of March 8, 2020’ ang exempted mula sa
pansamantalang deployment ban sa medical at allied health workers.

Exempted din sa ban ang mga nagbabakasyon lamang na health workers na may existing job contracts sa ibang bansa. (CHRISTIAN DALE)

91

Related posts

Leave a Comment