P.4-M SHABU NASABAT SA BUY-BUST

SWAK sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation noong Huwebes ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Ordy Delos Santos y Florez, 21, may kinakasama, istambay, ng #632, 5th Ave., 2nd St., Brgy. 118, Caloocan City.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon laban sa suspek alas-7:00 ng gabi noong Huwebes sa Julian Felipe St., Brgy. 8, Caloocan City makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya na talamak ang shabu sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa suspek ang 60 gramo ng shabu na tinatayang P408,000 ang halaga. (ALAIN AJERO)

112

Related posts

Leave a Comment