P.5-M SHABU NASABAT SA 3 DRUG PERSONALITIES

BATANGAS – Nasamsam ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Batangas PPO at ng mga tauhan ng Batangas City PNP, ang tinatayang kalahating milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Libjo, Batangas City nitong Biyernes ng madaling araw.

Naaresto sa operasyon ang tatlong drug personality na kinilalang sina sina John Paulo Reyes, Eligio Mauhay na parehong nakatala bilang mga High Value Individual (HVI), at ang street level individual (SLI) na si Royland Manalo, pawang mga residente ng bayan ng San Pascual.

Ayon sa ulat, namataan sa kotseng sinasakyan ng mga ito ang 75 gramo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P510,000.

Nakakulong na ang mga ito sa Batangas City Police Station locked-up cell at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(NILOU DEL CARMEN)

489

Related posts

Leave a Comment