MAWAWALANG kabuluhan ang P1.26 billion tourism promotion fund (TPF) ng Department of Tourism (DOT) sa susunod na taon kung hindi nito babaguhin ang kanilang marketing strategy.
Nangangamba si Quezon City Rep. Marvin Rillo dahil 4,038,370 pa lamang ang foreign tourist na dumating sa bansa mula Enero hanggang Setyembre sa kasalukuyang taon.
“We would urge the DOT to consider shifting to rifle marketing – as opposed to shotgun marketing – and to concentrate on our top five suppliers of foreign visitors, namely South Korea, the United States, Japan, China, and Australia,” ayon sa mambabatas.
“Rifle marketing targets individual markets, whereas shotgun marketing aims for the entire global market regardless of specific corners,” paliwanag ng vice chairman ng House Committee on Tourism.
Base aniya sa datos, 1,064,077 South Koreans ang dumating sa bansa sa unang siyam na buwan ng kasalukuyang taon, na sinundan ng American citizens na umabot sa 715,744, habang 220,604 ang Japanese nationals.
Umabot naman sa 207,932 ang Chinese nationals; 182,460 ang Australians, 170,354 ang Canadians, 142,406 ang Taiwanese, 127, 353 ang Britons, 76,971 ang Malaysian at 71,945 ang Singaporeans.
(BERNARD TAGUINOD)
