P1.4-M SHABU NASAMSAM SA 16 TULAK SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa 16 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City, Cavite dakong alas-5:50 noong Linggo ng gabi sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, na sina Alinader Alikan y Mamocarao, 36; Leo Bacay y Dichosa, 41, at Jamal Imam y Alonto, 30-anyos.

Narekober sa mga ito ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360,000.

Sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, tinatayang 1.10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P7, 480, ang nasamsam sa naarestong mga suspek na sina Rafael Adarayan y Quibenes, 44; Jasper John Adarayan y Estrada, 20, dakong alas-11:15 ng gabi noong Linggo sa Pasong Saging FVR, Brgy. Poblacion 5.

Sa kasunod na operasyon sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite, inaresto sa buy-bust operation dakong alas-9:30 noong Linggo ng gabi sa Mindanao Avenue, Brgy.  Gavino Maderan si Gary Busante y Pagiridan, at nasamsam ang 1.05 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P7,140.00.

Umabot naman sa tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P20,400 ang nasamsam sa buy-bust operation dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Brgy. Talaba 3 Bacoor City sa arestadong suspek na si Armando Arca y Francisco.

Sa isa pang hiwalay na operasyon sa Bacoor City, tinatayang 6 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P40,800, ang nasamsam sa buy-bust operation dakong alas-7:00 ng gabi noong Linggo sa Brgy. Habay 2 kung saan inaresto sina Benidicto Rodriguez y Langamin, 42; Redentor Javinal y del Rosario, 61; Elpidio Del Rosario y Deropil 44; Edward Cisesta y Lasara, 36; Benjur Grape y Benitez, 38, at Gigi, Javier y Manuel, 44, at sa isa pang operasyon sa Brgy. Niog 1 ay nadakip ang mga suspek na sina Valeriano Soraliza y Likigan, 44, at Ranelo Tagle y Galvan, 27.

Sa kabuuan, umabot sa halagang P1,435,820 ng umano’y shabu ang nasamsam sa mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

195

Related posts

Leave a Comment