Hindi nakalusot sa Bureau of Customs–NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang kabuuang 35,345 tablets ng diazepam (Valium) at nitrazepam (Mogadon) na nagkakahalaga ng Php 1.8 million.
Ang nasabat na tablets ay nadiskubre ng BoC-NAIA frontliners sa isinagawang inspection at examination ng parcels sa Paircargo warehouse noong Disyembre 4, 2020..
Lumalabas na ang cargo ay ipinadala ng “Muztaza and brother” mula Pakistan at misdeclared bilang “Health Care Products”.
Ang Diazepam (Valium) at Nitrazepam (Mogadon) ay kasama sa ipinagbabawal ng 1971 United Nations Single Convention on Psychotropic Substances.
Ang dalawang bawal na gamot ay pawang may addictive properties at characteristics, at ikinokunsidera ang mga ito bilang highly regulated drugs.
Sa isinagawang imbestigasyon, ang nasabat na mga tabletas ay ‘unlawfully imported’ sa bansa na walang License to Operate and Certificate of Product Registration mula sa Food and Drugs Authority (FDA), at Import Permit mula PDEA na naaayon sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang 35,345 tablets ng diazepam at nitrazepam ay itinurn over noong Disyembre 04, 2020, sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon, case profiling at build up laban sa mga personalidad na nasasangkot sa ‘unlawful and fraudulent importation, and prosecution’ para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165).
Bukod dito, nilabag din ng mga importers ang Sections 118 (Prohibited Importation), 1113 (Goods Liable for Seizure and Forfeiture) at 1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act 10863, o mas kilala sa tawag bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Simula Enero 2020, sa paghahabol sa anti-illegal drugs campaign ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang BOC NAIA kasama ng active partnership sa PDEA at NAIA-IADITG ay nakasabat na ng 43 ibat-ibang shipments ng illegal drugs na may kabuuang halaga ng Php1.72 billion.
Dahil dito, pinuri ni District Collector Carmelita M. Talusan ang BOC-NAIA frontliners sa kanilang pananatili na naka-pokus sa performance ng kanilang duty at patuloy na pakikipag-ugnayan sa PDEA at NAIA IATG sa pagprotekta sa hangganan ng bansa laban sa importation at exportation ng illegal drugs, substances at iba pang kontrabando na banta sa national security at public health sa kabilang ng COVID-19 pandemic.
(Joel O. Amongo)
