P1.9-B SAP FUND IPINAGDAMOT NG DSWD SA MGA PINOY?

PUNA Ni JOEL AMONGO

GALIT ba ang dating pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Pilipino?

Ito ang katanungan ng mga tagasubaybay ng PUNA matapos nila malaman na halos dalawang bilyong pisong (P1.9-B) ayuda ang hindi ipiΒ­namigay ng DSWD sa mga Pilipino na gutom habang nasa kasagsagan ang pananalasa ng COVID-19 pandemic sa bansa nitong nakaΒ­lipas na dalawang taon (2020-2021).

Sa panahon na ‘yan ay nasa ilalim ng pamumuno ni Ret. General Rolando Joselito Bautista ang DSWD.

Kilalang magaling na sundalo si Bautista subalit pagdating sa DSWD ay tila nag-iba ang pagkakakilala sa kanya ng taumbayan.

Habang nasa kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19 ay kaliwa’t kanan ang reklamo sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) fund na nagmumula sa DSWD.

Nariyan na ang iba ay nakatatlong beses na tumanggap ng pera, subalit ang iba ay isang beses at wala na ang pangalawa.

Mayroon din namang kahit may kaya sa buhay ay nakatanggap ng SAP, samantala ang iba kahit isang beses ay hindi nakatanggap ng ayuda.

Tapos ngayon sa pag-upo ng bagong pamunuan ni Erwin Tulfo sa DSWD ay nalaman ng taumbayan na halos dalawang bilyong pisong (P1.9-B) ayuda pala ang hindi naipamigay sa mga nagugutom na pamilyang Pilipino nitong nakalipas na dalawang taon. Tsk! Tsk! Tsk!

Naibalik naman daw sa national treasury ang nasabing pera na hindi naipamigay sa mga benepisyaryong Pilipino. Natiis n’yo na maΒ­gutom ang mga Pilipino?!

Baliktarin na lang natin ang pangyayari, ang mga opisyal ng DSWD ang nasa sitwasyon ng mga nagugutom na pamilya, ano kaya ang mararamdaman nila?

Tanong tuloy ng ating mga tagasubaybay, wala raw bang pananagutan sa batas ang kampo ni Bautista sa kanilang ginawa sa taumbayan na hindi ipinamigay ang nasabing pondo sa mga nararapat na benepisyaryo nito?

Nasikmura daw ba nila sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at hindi makalabas ang mga Pilipino para magtrabaho, tapos ang pondo ng gobyerno para sa ayuda ay hindi ipinamigay sa mga nararapat na mabigyan?

Naalala ko tuloy nang manalasa ang Super Bagyong Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 sa bansa, nang si Dinky Soliman ang kalihim ng DSWD sa ilalim ng administrasyon ni dating President Noynoy Aquino, ay biktima rin ng kapabayaan ang mga Waray sa Region 8.

Ang Region 8 kasi ang pinakamatinding binayo ng Super Bagyong Yolanda, libu-libong katao ang namatay sa lugar na ito.

Imbes na ipamigay agad lahat ang mga donasyong pagkain sa mga naapektuhan ng bagyo ay pinabayaan hanggang sa nabulok ang konti-container na relief goods.

Sa pamunuan naman ni Bautista, ipamimigay na lang sa mga benepisyaryo ang pera ay hindi pa nila nagawa.

Kawawang lahi ni Juan dela Cruz, lagi na lang nabibiktima ng mga pabayang opisyal ng gobyerno.

Sa mga opisyal ng gobyerno, lalo na ang cabinet level, kung ayaw n’yong magserbisyo sa taumbayan ay ‘wag na kayong pumasok sa Β­gobyerno dahil maraming umaasa sa inyong serbisyo.

Kaya nga ang tawag sa inyo ay “public servant”, kayo ang magserserbisyo sa mga Pilipino, hindi kayo ang pagsisilbihan namin. Naiintindihan n’yo?!

Tapos pa pagpuPUNAhin kayo ng media ay magagalit kayo! Kundi pa pumasok si Sec. Tulfo sa DSWD ay hindi malalaman ng taumbayan ang kapabayaan n’yo.

Sinita na kayo ng Commission on Audit (COA) pero binalewala n’yo pa rin.

Kapag ganyan ang nalalaman nating kapabayaan ay nadidismaya tayo! Buwisit! Buwisit! Buwisit!!!!!!!

oOo

Para sa suhestiyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

209

Related posts

Leave a Comment