XIAN PANG BEAUTY CONTEST ANG BIRTHDAY WISH

KAMAKAILAN lang ay nagdiwang si Xian Lim ng kanyang ika-33 kaarawan na punong-puno ng pasasalamat at pagmamahal.

Pasalamat dahil sa magandang takbo ng kanyang showbiz career, one after another ang kanyang project sa Kapuso Network, after ng ‘False Positive’ serye nila ni Glaiza de Castro ay ngaragan naman si Xian sa taping ng bago niyang serye katambal si Ashley Ortega, na isang sport serye ang “Frozen Love.”

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay ay going strong ang relasyon nila ng gf na si Kim Chiu. Natuwa naman ang mga supporter ni Xian sa kanyang birthday wish na ipinost sa sariling account, na tila pang beauty contest ang nilalaman.

“Less hate no matter what your religious or political differences may be. Easier said than done but let’s do our best to not let this divide us. I wish and hope we can work as one unit, one family to work on what matters most and that is protecting each other. Dahil wala nang gagawa noon kundi tayo lang. Protektahan natin ang isa’t isa. Mahalin ang isa’t isa. Lend out a helping hand sa mga nangangailangan. Napakaliit ng kinikilusan natin na bansa, hindi rin sapat ang panahon na binigay para sa atin dito sa mundo. Let’s make the most out of it. Be a blessing to others”, say pa ni Xian.

 

211

Related posts

Leave a Comment