P1-B YOUTH DETENTION FACILITY HANDA NA

CRIME22

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAKAHANDA na ang P1 bilyon pondo para sa pagpatayo ng mga pasilidad na paglalagakan sa mga batang nagkasala sa batas.

Ganito kaseryoso umano , ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, si Pangulong Rodrigo Duterte, na ikulong ang mga bata na edad 12-anyos pataas na para panagutan sa krimeng nagawa.

Ayon sa mambabatas, kung dati ay P90 million lamang ang pondo na inilalaan para sa mga Bahay Pag-asa para sa rehabilitasyon ng mga batang nagkakasala sa batas, ngayon ay P1 billion na ito.

Kasama na ang pondong ito sa 2019 national budget kahit hindi pa ganap na batas ang Lowering the Minimum Age of Criminal Responsibility (LMACR) dahil tanging sa Kamara pa lamang ito nakakapasa at kasalukuyang ihinahabol pa ng Senado bago matapos ang 17th Congress.

“It is alarming that the Duterte government chose to beef up the construction of youth detention facilities as it also desperately pushes for the lowering of minimum age of criminal responsibility. The outcome? More kids will be uprooted from their homes and detained in facilities that are far from nurturing and rehabilitative,” ani Brosas.

Base sa nasabing panukala, lahat ng bata na edad 12-anyos pataas  na makakagawa ng karumaldumal na krimen tulad ng rape, murder, homicide, theft with homicide at iba pa ay ikukulong sa mga Bahay Pag-asa kaya magtatayo ang gobyerno ang mga karagdagang pasilidad, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Luzon, Visayas at Midnanao.

Mas mababa  ang edad na ito ng mga bata sa kasalukuyang batas na tanging ang mga 15-anyos pataas ang ikinukulong kapag nakagawa ng krimen, hindi upang parusahan kundi para sa kanilang rehabilitasyon.

“Sa halip na pondohan ang mga batayang serbisyo at dagdag na classrooms at tulong sa mga kabataan, gusto ng gobyerno na pondohan ang mga kulungan ng mga batang dadamputin nang maramihan,” ani Brosas.

Dahil dito, nanawagan ang grupo sa mga senador na huwag ipasa ang nasabing panukalang batas kahit isa ito sa mga priority bill ng Palasyo ng Malacanang.

157

Related posts

Leave a Comment