P1-M SHABU NASABAT SA 2 DILAG

INARESTO ang dalawang dalaga makaraang mahulihan ng mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director Jonnel C. Estomo, katuwang ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Naga City.

Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, naging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation ng PNP Bicol at PDEA na nagresulta sa pagkakasamsam sa 150 gramo ng umano’y shabu sa sa dalawang dalaga.

Nabatid sa isinumiteng ulat ng Naga City Police Office, bandang alas-5:45 ng umaga noong Sabado nang nakorner ng mga operatiba ang mga suspek na kinilalang sina Ronna Geroy Balcueva, 29, ng Amarillo St., Clupa, Brgy. Calauag, Naga City, kabilang sa talaan ng Database sa ilegal na droga ng NCPO, at Jacqueline Palacios Geroy, 29, residente ng Artamisa St., Clupa. Brgy. Calauag, Naga City.

Sa nasabing operasyon ay nakumpiska sa mga suspek ang isang selyadong plastik na naglalaman ng 125 gramo ng umano’y shabu.

Bukod dito, nakumpiska rin sa mga suspek ang isa pang pakete ng ilegal na droga na naglalaman ng 125 gramo ng ilegal na droga.

Sa kabuuan, umabot sa 150 gramo ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na tinatayang P1,020,000 ang halaga.

Binigyan ng pagkilala ni P/BGen. Estomo ang mga operatiba sa matagumpay at mas pinalakas na operasyon laban sa ilegal na droga. (JESSE KABEL)

115

Related posts

Leave a Comment