P1-M SMUGGLED WHITE ONIONS HULI SA BOC-PORT OF CEBU

BOC-PORT OF CEBU-2

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu ang smuggled white onions na itinago sa shipment ng “kimchi” mula China, na tinatayang P998,700 ang halaga.

Ang nasabing shipment ay dumating sa Port of Cebu na nakalagay sa 147 boxes at idineklarang kimchi na nagkakahalaga ng P183,750.

Makalipas ang mahigit isang buwan, ang consignee ay inabandona ang nabanggit na shipment.

Dahil dito, isang Decree of Abandonment ang agad na inisyu laban sa subject shipment alinsunod sa Section 1129(a) ng Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa Customs Administrative Order (CAO) 17-2019.

Makaraan ang abandonment proceeding, isinagawa naman ng Inventory Team ng Auction and Cargo Disposal Division ang initial examination and inventory ng container vans.

Sa pagsusuri sa unang container van ay natuklasan ang 3,329 bags ng undeclared white onions nakasalansan sa likod ng boxes ng kimchi.

Habang ang imbentaryo sa iba pang containers ay kasalukuyan pang isinasagawa.

Pagkatapos ng examination and inventory, ang smuggled white onions at kimchi ay agad na idi-dispose, ayon sa kasalukuyang customs rules and regulations, at sa koordinasyon sa Bureau of Plant Industry (BPI).

(JO CALIM)

235

Related posts

Leave a Comment