P10-M SHABU NASAMSAM SA VENDOR SA MARIKINA

TINATAYANG P10 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng Marikina PNP at District Special Operation Unit (DSOU) sa 32-anyos na vendor noong Lunes ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang nadakip na si Habib Pangalian y Ampuan, may asawa, ng Brgy. Fortune ng lungsod.

Ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-10:00 ng gabi, nagkasa ng anti-illegal drugs operation ang magkasanib na puwersa ng Marikina PNP, EPD, District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Special Operation Unit at DECU sa McDonald Avenue, Brgy. Sto. Niño, Marikina City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang 21 piraso ng sachet na naglalaman ng kabuuang 1.5 kilo ng shabu at nagkakahalaga ng P10,200,000, buy-bust money at isang tricycle na pinaniniwalaang gamit ng suspek sa ilegal na droga.

Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ENOCK ECHAGUE)

156

Related posts

Leave a Comment