P100-M ni Gordon kinontra P504.2-M IBINAYAD SA PRC SA SWAB TEST – PHILHEALTH

IDINIIN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi totoo ang binanggit ni Senador Richard “Dick” Gordon na P100 milyon lang ang naibayad ng ahensya sa Philippine Red Cross (PRC) para sa kontrata sa swab test ng mga miyembro ng ‘tagatiyak ng kalusugan’ ng mga Fillipino.

Ayon sa PhilHealth, P504.2 milyon na ang naibayad nito sa PRC hanggang nitong Agosto 12.

Ang pahayag na ito ay pagpapatumba ng PhilHealth sa inilabas sa media ni Gordon, chairman din ng PRC, nitong Sabado na P700.5 milyon pa ang hindi nababayaran ng PhilHealth sa PRC.

Idiniin ni Gordon na P100 milyon pa lamang natatanggap ng PRC.

Inilinaw ng PhilHealth na ang ibinayad nitong P504.2 milyon ay “more than half of the P910 million limit set by the PhilHealth board of directors last May.”

Isinusog ng PhilHealth na ang sinisingil ni Gordon na mahigit P700 milyon na ipinadaan sa media ay sakop ng “three separate billing statements that PhilHealth received on Aug. 13, 14 and 15.”

Bukod sa paglalabas ni Gordon ng atraso ng PhilHealth sa PRC noong Sabado, naglabas pa ito ng press statement nitong Lunes na ang titulo ay: “RED CROSS COVID-19 TESTING IMPERILED AS PHILHEALTH DEBT INCREASES TO NEARLY P1B.”

Ibinungad ng nasabing kalatas na: “As a result of the Philippine Health Insurance Corporation’s (PhilHealth) failure to pay its remaining balances to the Philippine Red Cross (PRC), the country’s foremost humanitarian organization’s COVID-19 testing is most likely to suspend, as announced by its Chairman and CEO Senator Richard J. Gordon.” (NELSON S. BADILLA)

 

122

Related posts

Leave a Comment