P100 WAGE INCREASE, IBINASURA NG DOLE

WALANG ibang magagawa ang mga manggagawa kundi pagtiyagaan ang umiiral na sahod dahil hindi ito madaragdagan.

Ito’y dahil ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE – NCR) ang P100 hininging dagdag sa buwanang sahod sa mga manggagawa sa buong bansa.

Idiin ng RTWPB sa dalawang pahinang desisyon nito, wala itong kapangyarihan na aprubahan ang umentong P100 across-the-board dahil ang National Capital Region (NCR) lamang ang may saklaw ng nasabing yunit ng DOLE.

Batay sa batas-paggawa, ang bawat rehiyon ay may kanya-kanyang RTWPB kung saan nakabatay rin ang kapangyarihan sa rehiyong nasasakupan nila.

Kahit ang Kongreso ay walang kapangyarihang magpasa ng panukalang batas na nagtataas sa sahod ng mga manggagawa at empleyao ng mga pribadong kumpanya na buong bansa ang saklaw.

Humiling ang mga organisasyon ng mga manggagawa ng P100 umentong across-the-board dahil sa sobrang tindi ng dagok ng limitadong galaw ng ekonomiya ng bansa dulot ng COVID-19 simula noong Marso 2020.

Dahil sa desisyon ng RTWPB, asahang pagkakasyahin ng mga manggagawa ang kanilang napakababang sahod habang mabilis ang pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin. (NELSON S. BADILLA)

209

Related posts

Leave a Comment