P100K TINANGGAP NG 100 YEARS OLD LOLA SA TAGUIG

ISANG lola na 100 taong gulang ang nakatanggap ng cash gift na P100,000 mula sa Taguig City government.

Personal na inihatid ni Mayor Lani Cayetano ang tseke kay Victoria Almazan sa kanyang tahanan sa Barangay Katuparan kasama sina Konsehal Raul Aquino at Edgar Baptista.

“Maligayang ika-100 kaarawan, Nanay Victoria Almazan! Personal po nating binati si Nanay sa kanyang espesyal na araw at inabot ang kanyang P100,000 cheque mula sa Pamahalaang Lungsod.

Taun-taon niya po itong matatanggap hangga’t siya ay nabubuhay,” isinulat ni Cayetano sa Facebook.

Dagdag pa ni Cayetano, “Nanay is still so strong and full of happiness sa kanyang kaarawan, dala rin ng pagsasama-sama ng kanilang pamilya sa espesyal na okasyon na ito. We wish you good health, more love, and continued happiness surrounded by your loved ones.”

Ang mga senior citizen sa Taguig ay tumatanggap ng birthday cash gift mula P3,000 hanggang P10,000 depende sa kanilang age bracket.

Tumatanggap din sila ng libreng gamot, serbisyo sa pag-aalaga, wheelchair, tungkod, at hearing aid.

(CHAI JULIAN)

32

Related posts

Leave a Comment